^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Droga ni Kamatayan

Bebot Sison Jr., Ghio Ong, Cecille Suerte Felipe - Pilipino Star Ngayon

KUMPIRMADONG droga rin ang ikinamatay ng dalawang partygoers sa isang outdoor concert sa Pasay City noong Mayo 21. Ang dalawa, sina Kenimichi Miyagawa, 18, at Amerikanong si Eric Anthony Miller, 33, ay namatay dahil sa paggamit ng ecstacy o methylenedioxymethamphetamine (MDMA) na sinamahan pa nang matinding alcohol. Ayon sa PNP, nagkaron ng multiple organ failure ang dalawang biktima dahil sa matinding tama ng droga at pinalubha pa ng alchohol. Ayon sa report, halos mawasak ang puso ng mga biktima dahil sa MDMA. Ang isa pa ay halos masunog ang puso. Maitim na maitim umano ang puso.

Ang pagkamatay ng dalawa ay halos nakakatulad sa pagkamatay ng tatlong iba pang partygoers na naapektuhan din ang puso dahil sa nilaklak na droga. Ang tatlong namatay ay sina Bianca Fontejon, 18, Ariel Leal, 22, at Lance Garcia, 36. Bukod umano sa pagkasira ng puso, nagdugo rin ang utak ng mga biktima at bumigay ang iba pang internal organs.

Nakapagtataka kung paano nakapasok ang MDMA sa venue ng concert gayung sabi ng Close Up, organizer ng event ay matindi ang kanilang seguridad at sinisigurong walang droga na nakapasok. Sabi ng PNP, ginawa nila lahat nang makakaya para maprotektahan ang party goers. Sabi naman ng iba pang partygoers nagtataka sila kung paano naipasok ang droga. Wala raw silang kamalay-malay sa mga nangyayari.

Kung may pananagutan ang organizer ng event sa nangyari, mayroon din namang pagkakamali sa mga magulang ng menor-de-edad na nakatikim ng droga sa concert. Dalawang menor-de-edad, 12 at 15 ang nagpositibo sa MDMA. Bakit pinayagan ng kanilang magulang ang dalawang minor na makadalo sa concert? Hindi na ba namo-monitor ng mga magulang ang kanilang mga anak. Mabuti at hindi namatay ang dalawang menor-de-edad.

Ngayong may curfew na sa mga menor-de-edad, maaaring mabawasan na ang ganitong insidente. Ang puspusang paghahanap pa sa source ng MDMA ang igawa ng PNP. Panagutin ang nagbenta ng droga ni Kamatayan sa concert.

CLOSEUP FOREVER SUMMER

PARTY DRUGS

PASAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with