^

PSN Opinyon

Duterte sisibakin ang maka-kriminal

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

AAYUSIN daw ni papasok na President Rody Duterte ang katahimikan at katarungan. Rerepormahin umano ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Corrections, Bureau of Immigration and Deportation, at Philippine Drug Enforcement Agency.

‘Yan ang inaasahan ng mamamayan. Matinding kri­minalidad ang pangunahing rason hinalal siya ng halos kalahati ng botante. Labis na silang nabibiktima ng krimen: holdap, agaw-cell phone, akyat-bahay, at patayan sa komunidad. Kadalasan ay bangag o may kinalaman sa droga ang salarin. Samantala, sikat sa mundo sa katahimikan at kaayusan sa Davao City, kung saan dalawang dekada nag-mayor si Duterte. Pinag-initan niya ang mga kriminal, lalo na ang drug lords.

Itatalaga ni Duterte ang dating Davao City police chief bilang hepe ng PNP. Malaking lundag ito ng saklaw, ranggo, at kapangyarihan. Inaasahang gagamitin nito ang kamay na bakal na pinairal nu’ng nasa Davao pa. Kailangan mapasunod niya pati ang PNP officers na mas matatanda sa edad at matataas ang ranggo. Kundi, ani Duterte, aalisin niya sila -- buo-buong units, hindi lang ang hepe nito.

Mabuti’t lilinisin din ang NBI, BuCor, at BID sa ilalim ng Dept. of Justice. Nasalaula na ang mga ahensiyang ito. Napulitika ang pamunuan ng NBI; may sinisino ito sa pag-iimbestiga ng krimen; pinalulusot ang mga nasa administrasyon at mayayaman. Dapat magkasibakan sa taas.

Hawak sa ilong mismo ng mga convicts ang opis­yales ng mga preso. Napapamunuan nila ang mga sindikato sa labas ng preso: sa droga, murder-for-hire, kidnapping-for-ransom, bank robbery, jueteng, protection racket, at money laundering.

Hawak din ng narco-traffickers ang PDEA. Marami sa kanila ay mga dayuhang protektado ng BID. Tama na, sobra na, palitan na.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

RIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with