^

PSN Opinyon

Nakalista na ang mga pulis na sangkot sa illegal dugs

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BILANG na ang araw ng drug traffickers at criminal dahil didiretso na ang kanilang mga paa dahil mabigat na hatol ang kanilang kahaharapin sa Philippine National Police Ito ang magiging pangkaraniwan na ninyong matutunghayan sa TV at maririnig sa radyo habang papalapit ang araw ng pag-upo ni President Rody, hehehe! Kasi nga lahat ng sangkot sa pagpapakalat ng  droga ay nakalista sa pulisya. Maging ang mga pusakal sa kalye ay wala nang puwang na gumala sa lipunan. Ito na ang katuparan na matagal ng ninanais ng sambayanan matapos mapabayaan ng pamahalaan. Di ba mga suki?

Katulad nang pagsalakay ng National Bureau of Investigation sa bahay ng pulis na si PO2 Jolly Aliangan sa Sampaloc, Manila na kung saan bulto-bultong shabu ang nakumpiska at nilusaw pa sa banyo ang iba sa pagsalakay. Sari-saring matataas na kalibre ng baril ang nahalungkat ng mga ahente, milyon-milyon salapi pa ang nakita, may kambal plaka pa ng mga sasakyan at ang masakit dito nakita ang listahan ng mga taong hinihinalang pushers at ang celfone na siyang magtutumbok sa mga kontak nito sa PNP.  Nalagay sa alanganin ang kredibilidad ng NCRPO dahil kay Aliangan.

Naging mainit tuloy ang mata rito ni President Rody katulad sa nangyaring pagkamatay ng limang tao sa concert sa MOA. Sa Davao naman, apat na tao ang bumulagta matapos makipagbarilan sa mga pulis na ayon sa paunang report mga myembro ito ng kilabot na bukas kotse at tulak ng droga. Sa Greater Lagro naman ay napatay ang dalawang pushers matapos na manlaban ito sa mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group. Kinilala ang mga namatay na sina Ernesto Locsin at isang alias “ Boboy” na yembro ng Joselito Gonzales Drug Group.

Sa Norzagaray, Bulacan naman nauwi sa barilan na kung saan napatay ang 4 na miyembro ng Sumbillo Drugs Group at ikinaaresto pa sa 4 na scorer. Ayon kay Norzagaray Police chief P/Supt. Rizalino Andaya, matagal na nilang sinusubaybayan ang illegal na ope­rasyon nitong Sumbillo Group kung kaya nang makakuha ng tiyempo kamakalawa ng gabi ay kanila itong sinalakay na nauwi sa barilan. Patay ang lider ng grupo na nakilalang si Michael Cervitillo, alias “Micheal Sumbillo”, at kasamahang si Epoy at dalawang iba pa. Arestado rin ang apat na sina Mary Rose Nabu, Ropel Sia, Josephine Vinegas at isang menor de edad habang nasamsam naman ang bultong shabu, granada mga baril. Lalo pang nagpatibay na drug den itong bahay na tinutuluyan ng Cervitillo matapos na makita ang nagkalat na mga aluminum foil at plastic sachets sa labas ng bintana. Ilan pa lamang iyan sa bangis na laban sa mga durugista mga suki! Kayat hindi malalayong magiging tuloy-tuloy na ito sa mga darating pang mga araw at gabi. Kayat mga suki magbago na kayo kung nais ninyong bumalik sa maayos ang ating lipunan. Samantala nanawagan ang kaibigan ko na si retired police Willy Villacorta sa lahat ng Batch 18 ng WPD, may salu-salu po kayo sa HongKong Tea House sa A. Mabini Street, Ermita, Manila ngayon upang sariwain ang mga araw na nagdaan, hehehe!   

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with