^

PSN Opinyon

‘May edad na hataw pa’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

PATAPOS NA ANG TAG-INIT at matatapos na din ang mga summer activities gaya ng Sta. Cruzan, liga ng barangay subalit ang isang pinananabikan ay ang para sa mga senior citizens ang timpalak ng Ms. Lola at Mr. Lolo.

May mga lugar kung saan sinasamantala nila ang ganitong panahon katulad na lamang ng Carmona Estates.

Isang komunidad na binuo ng isa sa pinakakilalang developer sa ating bansa. Ang Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS).

Ang mga nagpapatakbo ng Carmona Estates ang nag-iisip ng mga aktibidad para sa kanilang mga residente.

Ayon kay Rose Tan, representative ng Carmona Estates Village Administration ay nagsabing abala ang mga bata ngayon sa kanilang lugar. May ‘swimming lesson’ sila at tuluy-tuloy pa ito hanggang ika-28 ng Mayo 2016.

“May kwarentang kabataan ang pumasok dito. Iba’t-ibang oras ito. May alas otso hanggang alas nuwebe. Meron namang 9-10. Hanggang alas singko ito ng hapon,” ayon kay Rose.

Depende ito sa mga bata at nakabase sa kanilang edad. Yung mga maliliit pa pang hapon ang schedule nila.

Sa loob mismo ng Carmona Estates ang swimming pool na ginagamit nila. Dalawang pool ang meron sila kaya talagang sayang-saya ang mga unit owners pagdating ng summer.

Pagtuntong naman ng buwan ng Mayo hindi mawawala ang tradis­yon ng mga Pilipino sa Flores Mayo. Hindi naman nagpahuli ang Carmona Estates at gaganapin sa May 31 ang kanilang pagdiriwang.

Tumapat ng Martes ang araw na ito at karamihan sa kanilang mga residente ay may pasok sa trabaho. Ang pinaka-kabilang sa ganitong aktibidad ay ang mga teenager. Sila daw talaga ang sumasali dito kaya’t walang kaso kung pumatak man ito ng Martes.

Tulad ng nakasanayan may Reyna Elena din sila. Kung sino daw ang libre sa araw na yun, yun ang magiging Reyna nila.

“Kumpleto kami sa sagala. Yun pong simbahan sila yung naghahanap ng mga kasali ng mga kalahok,” pahayag ni Rose.

Sinigurado din ng PRO-FRIENDS na hindi na mahihirapan ang kanilang mga residente at lahat ng kailangan nila ay abot-kamay na.

Maliban sa meron nang simbahan sa loob, may dalawang eskwelahan na din. Ito ay para maging kampante ang mga magulang  na nasa malapit lamang ang kanilang mga anak at kaagad nilang mapupuntahan.

Hindi na rin nila kailangang lumabas pa para pumunta ng mall at mamasyal. May commercial area na mismo sa loob ng Carmona Estates. May mga bazaar din doon.

“Mga 25 tent ang nandun sa bazaar. Paikot yun. Iba-iba ang mga paninda nila. May mga pagkain, damit at mga gamit sa bahay,” sabi ni Rose.

Bukas daw ang bazaar tuwing Sabado at Linggo. Mga nakatira sa Carmona Estates din ang nagtitinda doon. Maraming namimili dito dahil malapit lang sa simbahan. Pagkatapos daw ng misa ay dun na dumidiretso sa bazaar.

“May Cedar Olympics din kami. Ang Cedar ang isang village sa Carmona Estates. Village sa loob ng Estate,” sabi ni Rose.

Sa mismong village magaganap ang Olympics at ang mga manlalaro ay dun din manggagaling. Sa mga hindi naman taga-Cedar meron din sila Sunday Club para sa lahat.

May mga liga din sila para sa buong Carmona Estates. Regular daw ito pero ngayong summer ay meron sila nito araw-araw, tulad ng pa-liga sa basketball.

Sa mismong loob ng Carmona Estates nagaganap ang pa-liga dahil may malaki silang covered court dun. May nakalaan ding premyo para sa mananalong grupo.

Ang mga homeowners mismo ang pumipili at bumubuo ng ibibigay na premyo. Sponsor din ang PRO-FRIENDS para sa ibang premyo.

Maliban sa basketball meron din silang badminton sa mga bata at sa mga matatanda.

Kapag maraming pinagkakaabalahan ang mga bata naiiwasan ang pagkakalulong nila sa masasamang bisyo o yung labis na pagbabarkada. Maganda ang komunidad na binuo ng PRO-FRIENDS dahil gumagawa sila ng paraan para mas maging malapit sa isa’t-isa ang kanilang mga residente.

Hindi sa lahat ng oras nababantayan ng mga magulang ang bawat kilos ng kanilang mga anak ngunit kapag may pa-liga o ilang aktibidad mas nakakasiguro silang hindi mapapariwara ang mga ito.

Para naman sa mga senior citizens may pa-party din naman para sa kanila. Hindi na nila kakayanin ang paglalaro ng basketball o iba pang laro dahil sa katandaan.

Iniimbitahan ng bumubuo ng Carmona Estates at PRO-FRIENDS ang mga senior citizens sa isang party. Naghahanap pa sila ng tamang panahon at oras para dito.

Ginagarantiya naman nila na walang babayaran ang mga senior citizens dahil sagot lahat ng PRO-FRIENDS ang mga kakailanganin dito.

Naghahanap din sila para maging Ms. Lola at Mr. Lolo. Bawat taon daw nila itong ginagawa at ang pinakahuli ay nitong Pebrero.

Ang nanalong Mr. Lolo ay nasa 96 na taong gulang na habang walompu’t isa naman ang Ms. Lola.

Pinatunayan ng Carmona Estates na hindi lamang sa kabataan swak ang ganitong uri ng mga aktibidad kundi maging sa mga may edad ay pupwede pa rin.

Sa ganitong uri ng komunidad lahat ng edad ay may aktibidad na akma para sa kanila. Isang paraan din ito ng PRO-FRIENDS upang mas makilala ng mga residente ang kani-kanilang kapitbahay.

Bihira tayong makahanap ng isang lugar kung saan kompleto na ang pangangailangan ng isang pamilya. Konting labas lang ng bahay nandyan na lahat ng gusto mong puntahan.

PARA SA ANUMAG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

CEB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with