P50 thou sa makakapatay ng criminal at drug pushers
MUKHANG malaking hamon ang reward na inu-offer ng Cebu sa mga pulis at maging sa mga residente sa paglupig sa mga krininal. Kasi nga bawat kriminal na mapapatay ay magbibigay ang pamahalaan ng P50,000 at P5,000 naman sa makakasugat o makakalumpo. Mukhang hindi na biro itong offer ng Cebu dahil marami ang mag-uunahan sa pagkubra ng premyo mula sa hanay ng Philippine National Police at bounty hunters, ngunit may pangamba ang ating mga kababayan dahil ipinagbabawal ito ng human rights advocates. Ito na kaya ang sulusyon upang mapatigil na ang pamamayagpag ng mga kriminal at big time drug syndicate? Kung sabagay marami rin naman sa ating mga kababayan ang nagnanais na tuldukan na ang pamamayagpag ng droga dahil ang lahat ng mga krimen na nagaganap ay dahil sa paggamit ng droga.
Sa pagtaya kasi ng PNP nasa 95% barangay na ang napasok ng droga sa buong bansa kaya kamay na bakal na ang dapat na ipataw ng maubos ang drug lords, pushers at users na naglipana sa ating lipunan. Ngunit hindi ito kaya ng mga pulis. Sa pagtaya, 1 pulis sa bawat 600 katao ang binibigyan ng siguridad. Kailangan ng kumilos ang mga local officials mula sa gobernador hanggang barangay officials. Kaya sa pag-upo ni President Rody tiyak na kaliwa’t kanan na ang pagkilos ng PNP at bounty hunters sa pag-neutralized sa mga drug lords, pushers and users at maging sa mga organized crime elements. Ngunit may nais lamang akong iparating kay Tomas Osmena mula sa Email ng taga Cebu na ganire “Tila bingi at bulag-bulagan at kilos-pagong ang local na pamahalaan at iba’t ibang kinauukulang ahensiya ng pulisya laban sa talamak ng droga sa Tuburan, Cebu na tinaguriang ‘Silent of the Cebu”.
Ibinunyag ng inpormanteng alias “Mercado”, ng Barangay 8 Poblacion, na kamag-anak ng isang politiko ang umano’y nasa likod ng bentahan ng droga and illegal ng mga transaksyon sa Nautical road.Ang sindikato ay may malawakang koneksyon buhat sa Tuburan hanggang sa mga karatig probinsiya ng Escalante, Negros Occidental, Bacolod City, Dimagos, Caticlan, Mindoro at Batangas na kung saan ang bagsakan ng droga. Ang droga ay umano malayang nakakapuslit sa kahabaan ng Nautical road, Tuburan, na lulan ng mga tracking services na pag-aari umano ng Politiko na naglalayag sa gitna ng karagatan sa pamamagitan ng ‘Road on Road off’ (RORO) system ng walang abalang panganib sa mga coast guard sa gitna ng karagatan patungo sa kanilang destinasyon. Ilan mga scalawags o tiwaling pulis ang umano’y tumatayong bilang protector sa mga drug operations ni Mercado.
Kamakalan lamang , isang motorsiklo ang natagpuang inambandona malapit sa eskuwelahan ng isang di-nakilalang lalaki na nagdulot ng takot sa mga residente at sikip na trapiko dahil sa umano pag-aakala na may bomba ang laman ng isang bagpack na iwan sa naturang lugar. Sa tulong ng Explosive Ordinance Device team na pag-alaman isang granada, dalawang kilo na shabu na nagkakahalagang P6 million at isang identification card na nasa pangalan ni Mercardo ang laman ng bagpack. Napabalitang naglaan ng P1 million ang sindikato para umano magkaroon ng news blackout sa Tuburan upang hindi mapansin ang kanilang mga modus operandi sa droga ng mga mamahayag sa Cebu. Maging ang mga negosyante at investors ay may planong mag-aklas na ng kani-kanilang mga investments sa Tuburan dahil sa mga harassment scenario na ginagawa ng sindikato sa droga at bulgaran ang bentahan ng droga. Abangan!
- Latest