^

PSN Opinyon

Pagbuo ng Cabinet hindi pagbabalato

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NATURAL lang ang bangayan sa pagbuo ng Cabinet ni President Rody Duterte. Nangyari ito sa lahat ng papasok na administrasyon. Iba’t ibang sektor, grupo, at interes ang nagpanalo sa kanya. Nariyan ang mga traditional politicians o “trapo,” mga negosyante, at mga repormista. Nais ng una panatilihin ang kanilang political dynasties, ng pangalawa makasungkit ng kontrata, at ng huli magpatupad ng pagbabago. Isisingit nila ang kani-kanilang kasapi sa maseselang puwesto.

Asahan ang patuloy pang pagpapasingaw sa media ng tatlong paksyon ng balyahan nila. Ili-leak ang pangalan ng mga karibal sa puwesto. Ito’y para lumabas ang baho ng appointee, banatan siya ng madla, at magbago ng isip si Duterte.

Hindi nakakapagtaka kung mahigit isa ang opisyal na selection committee ni Duterte. Ang mahalaga’y isaalang-alang nila kung bakit siya nahalal ng madla. Tiyak hindi ito para panatilihin ang political dynasties o makakalawit ng kontrata. Malalim, malawak ang kanilang hangad, ngunit ma­isasaad sa isang salita: Pagbabago.

Edukasyon at kalusugan, trabaho at katiwasayan, at kaayusan at katahimikan. Infrastructures ng transportasyon at komunikasyon, pangsakahan, at hanapbuhay. Malinis na kapaligiran, at serbisyo sa mamamayan. Mga sangkap para umangat tayong lahat. Pagpuksa sa droga at mabilis na paglutas ng krimen. Walang palakasan, pangongotong. Sistema ng gobyerno kung saan lahat ay madidinig.

Dapat lang salain ang mahigit 10,000 appointees, mula Cabinet hanggang government corporations. Iwasan ang tukso na magbalato ng puwesto bilang pasasalamat sa mga sumuporta. Kundi, makakapasok ang mga dating tiwali­, manhid at palpak. Balik lang sa dating gawi.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PANGASINAN KAMAKALAWA

MANAOAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with