^

PSN Opinyon

‘Ibabala sa kanyon!’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

SINALA, KINILATIS na mabuti ang iluluklok sa posisyon. Kung sinong sa tingin niyang karapat-dapat at makakatulong ay siyang inilagay ni Presumptive President Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang gabinete.

Pangalan ng mga kaibigan, kabarilan at kaklase ang nagsilutangan na iniluklok ni Presumptive President Digong sa kanyang gabinete. Bakit naman hindi siyempre ang mga taong ilalagay mo sa posisyon ay yung mga pinagkakatiwalaan mo.

Ilan sa mga binanggit na posibleng maluluklok sa posisyon ay sina Arthur Tugade na magiging Secretary ng Department of Transportation and Communications (DOTC), Carlos “Sonny” Dominguez III sa Department of Finance.

Ang kanyang ka-tandem na si Alan Peter Cayetano ay sa Department of Foreign Affairs (DFA) o sa Department of Justice (DOJ), Atty. Perfecto Yasay Jr. bilang acting Secretary ng DFA, Atty. Salvador Medialdea ang Executive Secretary.

Si Atty. Salvador Panelo naman sa Malaca?an Press, ang target naman niyang maupo sa Department of Education (DepEd) ay si Peter Laurel. Jesus Dureza bilang Peace Adviser at si Atty. Silvestre Bello III ang makikipag-negosasyon sa mga komunista.

Ang dating Hepe naman ng Davao City Police na si Senior Supt. Vicente Danao Jr. ang kanyang magiging Anti-Drug Czar. Si Gilbert Teodoro Jr. ang inalok niya para maging Defense Secretary.

Si Gilbert Teodoro o mas kilala natin bilang si Gibo ay nagsilbi na rin siya bilang Defense Secretary noon, naging miyembro ng House of Representatives na rumerepresinta ng unang distrito ng Tarlac mula 1998 hanggang 2007.

Kilala rin siya sa naging tulong niya bilang Chairman of the National Disaster Coordinating Council (NDCC) nung panahon ng bagyong Ondoy.

Abogado naman ng apat na law firms si Silvestre Bello III at nung panahon ng Martial Law naging miyembro siya ng Free Legal Assistance Group.

Naging Undersecretary of Justice siya sa ilalim ni dating Pangulong Cory Aquino at nung 1990 ay naging Secretary of Justice. Nanungkulan bilang Solicitor General, naging head ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) Negotiating Panel na humahawak ng mga peace talks.

Noong 2007 naging Presidential adviser siya ng New Government Centers at naging Cabinet Secretary nung 2008.

Hindi naman matatawaran ang galing nitong dalawang nasa peace panel napatunayan na nila ang kanilang sarili sa publiko.

Isa rin sa inaabangan ng mga tao ay ang pagbabalik sa bansa ni Jose Maria Sison na kilalang manunulat at aktibista.

Nagbitiw din ng pahayag si Digong tungkol sa mga tiwaling he­neral ng pulis na magbitiw o umalis sa kanilang tungkulin bago siya mag-ikot. Kung hindi nila ito gagawin sila ang ipapadala sa Jolo, Sulu para habulin ng mga Abu Sayaff. At kung sila ang gawing hostage dun ay hindi siya magbabayad ng kahit na ano para mabawi sila. Sa tono ni Presidente Digong parang ibabala kayo sa kanyon.

Hindi rin siya nagdalawang isip na ibalik ang ‘death penalty’ para sa mga ‘heinous crime’ tulad ng Kidnapping, Robbery with Homicide at Rape. Kasali rin sa papatawan ng death penalty ang mga Drug Lord at Gun for Hire.

Bagamat pumabor ang ilan sa ating mga kababayan sa pagbalik ng death penalty may mga samahan o sektor naman na agad na kinontra ang balak na ito ni Digong.

Nagsalita ang dating Chairman ng Commission on Human Rights na si Loretta Rosales tungkol sa planong ito ni Digong.

“The death penalty as a mechanism to stop crime has been proven to be ineffective during the period when the death penalty was imposed in the Philippines, it did not deter criminality, it did not reduce crime radically.”

Marami rin ang nagsabing hindi malulutas ng pagkakabalik ng death penalty ang kriminalidad sa bansa.

Naalala ko nung panahon ni Lin Feng na ito’y inatake ng death penalty sa pamamagitan ng musketry sa pagbaril sa kanya na napanood ng buong bayan nung kapanahunan ni dating Presidente Ferdinand E. Marcos Sr. Bumaba ang mga residente sa pagbebenta ng droga subalit kalaunan ay bumalik din.

Tatlo hanggang anim na buwan ang hinihinging palugit ni Presumptive President Digong para malutas ang problema sa droga at kriminalidad, kakayanin niya kaya?

Sabi niya magbibitiw siya bilang Presidente. Gagawin niya kaya? Hindi rin tama na maniniid lamang tayo na para bang nanonood ng isang Championship Game ng Basketball sa NBA o PBA. Kailangan din ng partisipasyon natin.

Lagi kong inuulit na ang paglutas ng krimen ay responsibilidad ng mamamayan at mga alagad ng batas.

‘Crime solution and prevention is a shared responsibility between the law enforcers and the citizenry’,

Nanganganib din ba ang posisyon ni Speaker Sonny Belmonte bilang Speaker of the House? Sa ngayon mas marami pa ring Liberal ang nahalal bilang mga representante pero magkakaroon ba ng baliktaran dahil ina ba ang nakaupo sa posisyon?

Nais ko din punahin kung bakit tila ang bagal-bagal ng takbo ng bilangan kung sino ang mananalo sa pagka-bise Presidente. Nagbubunyi na ang kampo ni Leni Robredo pero pinaalalahanan sila ng Comelec na huwag muna silang magdiwang ng maaga.

Mabibilang naman kung ilang boto na lang ang natitirang hindi pa nakakarating sa kanila at dapat kwentahin na lang ito kung makakahabol pa ba sa kanya si Sen. Bongbong Marcos o talagang wala nang posibilidad na ito’y lumamang?

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

METRO MANILA TURF CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with