^

PSN Opinyon

Dayaan sa San Juan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAG-WARNING ang Comelec sa mga pulitiko na guma­gamit ng biometrics para makapambili ng boto. Nagbabanta ang Comelec na makukulong ang mga pulitiko at alipores nila na mahuhuling gumagamit ng biometrics para makabili ng boto. Inilabas ng Comelec ang warning matapos makalap ang reklamo ni House Minority leader at San Juan Rep. Ronaldo “Ronnie” Zamora na may umiikot sa mga barangay sa siyudad nila at bumibili ng boto. Ipinaliwanag ng taga-Comelec na tapos na ang kanilang mandatos para kunin ang biometrics ng mga botante noong naka­raang taon. Pinal na raw ang listahan nila ng registered voters. Idinagdag pa ng Comelec na ang biometrics data ay hindi puwedeng gamitin para malaman kung sinong kandidato ang ibinoto ng botante. Inihinto na ng Comelec, sa utos ng Supreme Court ang pagwalambisa sa biome­trics. Get’s n’yo mga suki?

Ayon kay Zamora, ang mga alipores ng kanyang kalaban ay nag-iikot sa mga barangay sa San Juan at kinukuha ang fingerprint ng mga botante na kunwari ay biometrics. Tapos sasabihin nila sa mga nagpakuha ng fingerprint na alam na nila ang biometrics nito at malalaman kung sino ang iboboto nila sa election. May kapalit na P500 hanggang P1,000 ang biometrics exercise na ito, ayon sa report na natanggap ni Zamora. Hindi pinangalanan ni Zamora ang nasa likod ng pandaraya subalit wala naman silang ibang kalaban kundi ang pamilya ng dating kaalyado. Si Zamora at ang pamilya Mayor Joseph Estrada ay magkasangga sa pulitika. Bakit kaya mahigpit silang magkatunggali ngayon. Ganyan talaga sa pulitika, “walang permanenteng relasyon’ di ba mga suki?

Halos 46 na taong hinawakan nina Estrada ang San Juan, ayon sa mga Zamora. Pagkatapos ni Erap, naging mayor ng siyudad si Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito at Guia Gomez, ina ni “JV”. Sa tingin ng mga suki ko sa San Juan, gino-groom ng pamilya Estrada si Janella Estrada, na anak ni Jinggoy na tumatakbong vice mayor sa ngayon, na pamalit kay Mayor Gomez. Kaya kung kayo ang mga Zamora mga suki, saan kayo lulugar kundi labanan ang mga Estrada, di ba? Kaya si Zamora ay tumakbong reelectionist at makakalaban si Jana Estrada, samantalang ang anak na si incumbent Vice Mayor Francis Zamora ay tinapatan si Gomez. Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with