^

PSN Opinyon

Private armies, di-kaya ng AFP at PNP

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGKULANG ba ang Philippine National Police sa pa­tuloy na patayan sa kalye? Ito ang katanungan ng ating mga kababayan tuwing magkaroon ng patraidor na pagpaslang. Kung pagbabasehan ang report ng PNP umaabot na sa 2,371 na ang nasamsam nila mula ng magkaroon ng Comelec gun ban na kinabibilangan ng  2, 287 civilians, 19 PNP, 13 AFP, 1 BFP, 16 government elected officials, 30 security guard, 2 CAA (CAFGU), 1 threat groups, 3 PAGS at 5 other LEA na may kabuuang 1, 805 sari-saring baril ang nasamsam. Ngunit kung anong higpit ang ginagawa ng PNP at AFP sa mga checkpoint sa ilalim ng superbisyon ng Comelec patuloy pa rin ang patayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Kasi nga hindi kayang subaybayan ng PNP at AFP ang private armies ng mga tusong pulitiko sa mga lalawigan at Metro Manila. Kaya tuloy nagtatanong ang aking mga nakausap kung saan napupunta ang intelligence fund ng PNP at AFP para tiktikan ang mga armed group sa bansa. Sa bulsa kaya ng mga opisyales ng PNP at AFP nalulusaw ang naturang pondo?

Marahil ang kasagutan nito ay nasa kamay na rin ng mga PNP at AFP officials. Sa panahon ngayon na mainit na ang kampanyahan ng local officials tiyak na dadanak na rito ang dugo mula sa mga kampo ni Satanas na gustong manalo sa darating na eleksiyon. At sa bawat patayan tiyak na ang sisisihin dito ay ang PNP at AFP at puro imbestigasyon na lamang ang kanilang magagawa. Katulad na lamang noong Linggo ng hapon na kung saan tinamba­ngan si Calauan, Laguna mayor George Berris habang na­ngangampanya na ikinamatay ng kanyang mga kasama na sina Leonado Taningco at itong tumatakbong councilor na si Emmanual Pena. Kritikal ang kalagayan ngayon ni Berris sa isang ospital sa Laguna habang nagkukumahog ang Laguna Police sa pagkalap ng mga impormasyon para matukoy ang mga salarin. Kasi nga  ayon sa impormasyon mula sa Regional Tactical Operation Center, abala umano si Berris sa pagkaway sa mga botante sa Bgy. Imok nang pagbabarilin. Nasaan ang mga pulis nang tambangan si Mayor? Puro imbestigasyon na lang ba ang kanilang gagawin?

* * *

Mainit na mainit ngayon ang pagdinig sa Terminal Appointmant and Advanced Booking System  (TABS) na isinampa ng mga business group, brokers at truckers laban kay DFA secretary Rene Almendras at pamunuan ng Philippine Ports Authority, Asian Terminal Inc at International Container Terminal Services Inc., sa Manila Regional Trial Court Branch 14. Kasi nga dapat na mabigyang linaw ang bayarin sa TABS dahil kung ang tatanungin dito ang mga business group, brokers at truckers ay raket lamang umano ito dahil kasama na ito sa kanilang binabayaran. Hindi rin umano ito nakakatulong upang maresolba ang port congestion dahil ang pangunahing problema umano sa paglabas at pagpasok ng kargamento sa pier ay  oras ng mga empleyado ng terminal at ang sobrang trapik sa mga lansangan. Ito rin umano ang dahilan kung bakit nangunguluntoy ang mga negosyante at lumulobo ang presyo ng mga inaangkat na bilihin. Ito ang ating aabangan mga suki!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with