^

PSN Opinyon

Abogado binira sa pahayag laban kay Sereno

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga abogadong kunektado sa ilang personalidad na nagsusulong na mapigilan ang krusyal na mga aspeto ng Reproductive Health law na maaaring makapagligtas sa buhay ng libu-libong madlang pinay ay siya ngayong bumibira kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa mga pananalita nito para sa mga sawimpalad sa buhay lalo na ang mga ampon, pulot o foundling.

Sa diwa at intensyon ay hinahangad ng mga batas at Konstitusyon ng Philippines my Philippines na mabigyan ng katarungan ang mga kapuspalad na madlang pinoy.

Paanong maiiba sa ibang kaso ng libu-libong foundling na nakatira sa Philippines my Philippines ang kaso ng pagiging ampon ni Senador Grace Poe at ang ibang kaakibat na usapin na kumukuwestyon sa kanyang pagiging natural-born Filipino.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Grace na isa ngayong senador at kumakandidatong presidente sa halalan sa Mayo 2016 ay inabandona noong sanggol pa lang siya at natagpuan sa isang simbahan sa Iloilo. Inampon siya kinalaunan ng mag-asawang artistang sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Atty. Manuelito Luna ang abogado ni dating Senador Francisco Tatad na isa sa mga petisyuner sa isang kaso laban kay Poe at humihiling na idiskuwalipika ito sa halalang  pampanguluhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binatikos ni Luna si Sereno dahil sa mga posisyon nito na pumapabor sa mga foundling.

Ayon kay Luna, hindi maganda para sa petisyuner ang wala sa lugar na simpatya ni Sereno sa mga foundling at ang hindi pa nasusubukang teorya.

Isang mas malaking krimen kung hahayaan ang mga abogadong tulad ni Luna at ang kanyang mga principal sa kanilang gusto. Magiging simula ito ng ibayong diskriminasyon laban sa mga ampon.

Sana hindi dumami ang mga tulad ni Luna at hindi magiging ampon ang magiging kaapu-apuhan nila.

Abangan.

Marcos pa rin?

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, porke they are waiting for the final result this coming May 2016, kung magkakaroon ulit ang Philippines my Philippines na panggulo este mali pangulo pala na ‘Marcos’ ang apelyido?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumatakbo lamang sa pagka-VP si Sen. Bongbong Marcos, pero alam ng madlang people na kung sakali mang manalo ito, malamang ay siya na ang magiging ‘pangulo’ ng Philippines my Philippines coming May 2022.

Sana huwag naman!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung manalo si Bongbong at matuloy ang karimarimarim nilang hula, kahit hindi na niya maaatim pang magdeklara ng Martial Law at tumbasan ang karahasang naghari sa mahabang panunungkulan ng kanyang erpat, siguradong ibabalik pa rin nya ang alaala, pamana o legacy nito na hanggang ngayon ay ipinagyayabang niya. 

Kaya kahit mukhang komplikado, simple lamang talaga ang pagpipiling ating gagawin sa darating na eleksyon: kay Marcos ba tayo, o doon sa kung sino ang pwedeng mag-unsyami sa ambisyon ng mga Marcos na muling mamayagpag sa ating bansa?

Sa ngayon, mukhang napakalayo na ni Cong Leni Robredo sa karera, lalo na dahil lumalakas ang ugong at hitik ang mga bali-balitang nagsu-solo na ng lakad itong katambal niyang si Sec Mar Roxas - isa pang naghihingalo na ang kampanya, kung may buhay pa man itong natitira.

Ganoon din itong si Sen Alan Cayetano, na kahit todo-karipas na ang ginagawang paghahabol ay tila mauuwi lang lahat sa wala. Ilang beses nang natunghayan sa kampanyang ito ang tila mala­king pagkakaiba ng kanyang personal na posisyon sa mga isyung pinaninindigan ng kanyang katambal na si Mayor Rody Duterte. Ilang beses nang nagkamot ng ulo itong si Cayetano sa bawat pagkakataong gumawa ng “palyadong” pahayag ang alkaldeng katambal nito.      

Sa kabilang banda, nangunguna sa ehersisyong pampulitikang ito si Sen Chiz Escudero. Mula nang magsimulang uminit ang karerang ito, kahit minsan ay hindi pa nalampasan ng ibang mga kandidato itong senador na Bicolano. Dahil dito, siguradong si Escudero lang ang nag-iisang tatalo kay Marcos, ang tanging garantiya ng bansa na mag-uunsyami sa tuluyang pagkakaluklok muli sa poder ng pamilya Marcos, na dalawampung taong  pinagsamantalahan ang ating inang bayan.

Ano kaya ang tadhanang nakaukit sa palad natin? Makakabalik kaya ang mga Marcos? Pipiliin kaya ng mga tao si Escudero para mapigilan ang pagbabalik ng mga Marcos, kahit di siya masyadong type ng ilan? 

Que sera sera, pero huwag sana tayong makalimot sa madilim na nakaraan.

ACIRC

ANG

AYON

BONGBONG MARCOS

CONG LENI ROBREDO

FERNANDO POE JR.

ILANG

MANUELITO LUNA

MARCOS

MGA

PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with