^

PSN Opinyon

Parañaque City police, palpak!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG namamayagpag na small time drug pushers sa Adriatico, Malate, Manila ay tinumbok ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group noong Miyerkules ng madaling araw. Halos magkandarapa sa pagtakbo ang mga residente rito nang makita ang sangkaterbang pulis na suma­lakay sa tatlong bahay na pinaghihinalaang “tipakan” o “taryahan” ng shabu. Kasi nga nasanay na sila na mga durugista at adik ang madalas na dumadapo sa kanilang barangay, hehehe! Ngunit kapansin-pansin na matapos makapasok ang mga pulis sa mga target na kabahayan ay nagmistulang kalye serye ang eksena sa walang puknat ang paglamiyerda ng mga usyusero. Malinaw na talamak ang bentahan ng shabu dahil walang tulugan ang mga usyusero.

Ayon pa nga sa aking mga kausap, bukod sa mga holdaper at snatcher ng Malate, mga taxi driver at pedicab ang madalas na bumibili ng droga sa tatlong bahay na sinalakay. Kaya naman pala sangkaterbang pulis ang binitbit ni S/Supt. Ronald Lee ng CIDG-National Capital Region ng sumalakay dahil sa hinalang protektado ang pushers ng ilang talamak na residente. Ngunit ang napansin ko rito ay kung bakit hindi kasama ang mga kapulisan ni C/Supt. Rolando Nana ng Manila Police District gayon teritoryo nila ito. Wala rin kayang tiwala si S/Supt. Lee sa ilang pulis ng MPD? Marahil nga siguro kasi nga nang dumating ang aming grupo mula sa MPD Press Corps ang nakita lang namin at na-interview ay sina Supt. Ricardo Ibay, CInsp. Willy Sy ng CIDG-Manila at ang Regional Police Safety Battalion-National Ca­pital Region Police Office.

Pupungas-pungas si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada nang dumating at halatang galit na galit sa mga pinaghihinalaang drug pushers na sina Jimmy Cumpa, Gina Tapic, Rowena Collado, Bryan Tope, Mirasol Miranda, Raymond Collado, Melanie Noynay, Jaybs Estrada at Masen Yusun nang kausapin nito. Maging si Mayor Estrada ay naging mapanuri sa mga nakumpiskang shabu, baril at paraphernalias na nakumpiska, ngunit pinuri ni Estrada ang grupo ni S/Supt. Lee sa matagumpay na pagkaaresto sa drug pushers. Kung naging tagumpay man itong pananalakay ng CIDG-NCR sa mga talamak na droga sa Malate, Manila, napaismid naman ang aking mga kausap sa pagkawala ng dalawang Akyat Bahay Gang sa Bgy. Moonwalk, Parañaque City.

Halos 11 oras pinagsalikupan ng mga tauhan ni Paranaque City Police chief S/Supt. Ariel Andrade ang Building-3 ng Kassel Residences subalit hindi nahuli ang dalawang kawatan, hehehe! Kaya tuloy ang usap-usap ng condo owners, mahina ang mga pulis at Swat ni Andrade. Kasi bukod sa nakatakas na ang dalawang akyat bahay gang namatay pa ang isang residente at naospital pa ang isa niyang pulis matapos na sunugin ang 403 Unit bago naglahong parang bula ang mga kawatan.  Paano nga naman, nagpaputok sila ng tear gas at friendly fire gayung hindi pa nila tuluyang nasi-secure ang mga residente ng condo.  Calling NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao sir, pakihambalos mo nga po si Andrade at kanyang mga tauhan nang matuto sa kanilang trabaho. Abangan!

ACIRC

AKYAT BAHAY GANG

ANDRADE

ANG

ARIEL ANDRADE

BRYAN TOPE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GINA TAPIC

JAYBS ESTRADA

JIMMY CUMPA

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with