^

PSN Opinyon

Bansag na ‘Manila’s Finest’ sa MPD, ibinalik ni Erap

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

IPINAGDIWANG kamakailan ng Manila Police District (MPD) ang ika-115 anibersaryo. Naging okasyon din ito upang magbalik-tanaw ang MPD sa mga tagumpay at pagsubok na napagdaanan nito sa nakalipas na panahon, at maghanda sa mga panibagong hamon sa hinaharap. 

Sa nasabing okasyon ay ibinida ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa MPD bilang katuwang sa pagpapatupad ng urban renewal at pagbabalik sigla ng kapitolyong lungsod. 

Ibinuhos nito ang 136 milyong pondo para sa mga allowance ng mga pulis na bigong maibigay ng nagdaang administrasyon ng Maynila na naging sanhi upang bumaba ang morale ng mga tagapagpatupad ng batas. 

Ayon kay Mayor Erap, matapos niyang mabayaran ang P5 bilyong utang na iniwan sa kanyang mga balikat ng sinundang administrasyon ay inuna niyang pagkalooban ng allowance ang mga pulis. Aniya, nararapat lamang ito sapagkat araw-araw ay nasa peligro ang kanilang buhay. 

Ayon kay Supt. Marissa Bruno ng Public Information Office ng MPD, ang ipinapakitang suporta ni Mayor Erap ay malaking tulong sa morale ng mga kapulisan dahil nararamdaman nilang hindi sila napapabayaan at nararamdaman nila ang malasakit. Dahil dito ay naging mas pursigido at mas epektibo ang kapulisan sa pagsugpo ng krimen, tumaas na rin ang tiwala ng publiko sa kapulisan ng Maynila at naging pababa ang trend ng krimen.

Bukod dito ay naglaan din ang pamahalaang lungsod ng P150 milyon para naman sa pagbili at pagsasaayos ng kanilang mga kagamitan. Naisaayos ang tanggapan at gusali ng MPD at nagkaroon sila ng mga karagdagan at modernong gamit na makakatulong upang gampanan nila ng mahusay ang kanilang tungkulin. Nagbigay ang pamahalaan sa MPD ng 110 electric personal transporters (SEGWAY), karagdagang 15 patrol cars na binili gamit ang PAGCOR funds, samantalang 14 ang binili ng kapitolyo. 12 patrol cars din ang nauna nang ibinigay ng Filipino-Chinese community. 

Ipinagmalaki rin ng MPD ang pagkakalansag nang malalaking criminal syndicates gaya ng Burdado Carnap Group, Balweg/Navarro Drug Group, Sanaya Drug Syndicate, Dominguez Robbery Group, Magbutay Robbery Group, Burgos Robbery Group, Macalanda Robbery Group, Toper Group, and Guiroy Robbery Group; pagkaka-aresto ng 95 Most Wanted Persons na sangkot sa pagnanakaw at carnapping; pagkakadakip ng 3,765 drug pushers at users at mga sangkot sa pagpatay.

ANG

AYON

BURDADO CARNAP GROUP

BURGOS ROBBERY GROUP

DOMINGUEZ ROBBERY GROUP

DRUG GROUP

DRUG SYNDICATE

GROUP

GUIROY ROBBERY GROUP

MAYOR ERAP

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with