‘Magnanakaw sa BITAG’
NAGBIBIGAY kami ng babala sa mga YouTube user. Hindi kami konektado at wala kaming anumang ugnayan sa PiliPinas at Eleksyon2016.
Ito ‘yung mga account sa YouTube na ang kakapal nang mukhang magnakaw ng mga video namin at agresibo nilang ina-upload sa kanilang accounts. Hindi namin nakikita kung ano ang kanilang mga motibong nakatago. Ayaw naming masama sa anumang kanilang adbokasiya. Wala kaming ugnayan sa kanila partikular ako si BEN TULFO.
Binabalaan namin ang mga OFW na nagpo-post ng kanilang mga komento sa mga ina-upload nilang videos na nakaw mula sa BITAG Live. Inaakala kasi ng ilang mga online follower ng BITAG na kami rin ang nasa likod ng PiliPinas at Eleksyon2016.
Maaring maganda ang kanilang mga hangarin. Subalit, anumang kagandahan kapag walang pahintulot at walang timbre kahit na maganda pa ang kanilang layunin, maitutu-ring pagnanakaw pa rin.
Galit kami sa mga magnanakaw, mapanlinlang, kasama na dito ang mga rapist, at mga sangkot sa droga. Naniniwala kami na may mga pulitikong trapo na nasa likod nila at nagpopondo sa kanila para magkalat ng mga isyung pabor sa kanilang interes.
Wala namang problema. Ang ikinababahala lang namin baka malagay kami sa alanganin dahil sa mga ina-upload nilang video nang hindi namin nalalaman. Walang puknat ang aming kampanya laban sa garapalan at harap-harapang pagnanakaw na ito sa aming YouTube account.
PiliPinas at Eleksyon2016, tigilan n’yo na!
Para mapanood ang mga video uploads ng BITAG, mag-log sa aming lehitimong YouTube account,youtube.com/user/bitagvideos o hanapin ang BITAG Official.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest