^

PSN Opinyon

Mga reklamador laban sa GMO

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sabi ko na nga ba, maraming reklamador sa isyu ng GMO

‘Paano na kung makita nating masama pala sa kalusugan ng madlang people ang mga GMO ?’ tanong ng kuwagong environmentalist.

“Sigurado ako na masama ito dahil gumagamit ito ng mga pestisidyo. ” sabi ng kuwagong mangangalakal.

Naku, dalawang isyu agad ang lumabas. Siyempre, humihingi ako nang maayos na paliwanag.

Ika nga, “evidence at science-based” dapat ‘yan.

Kasi noon, nabuwisit talaga ako nang sabihin ng ilang mga reklamador na ang mga genetically modified organism daw ay nakakabakla. Pwe ! Mas lalo silang nakakasuka!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit na ang National Academy of Science and Technology –PHL, ay naglabas ng pahayag na hindi delikado ang paggamit ng mga GMO, lalo na’t ito ay produkto ng maraming taong pananaliksik. Yun ngang BT corn ay 30 years na sa US of A, at ngayon ay ginagamit na ng nakakaraming mga magsasaka na nagtatanim ng yellow corn.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigit nang isang dekada itong itinatanim sa maraming lugar sa Philippines my Philippines. Hanggang ngayon, wala pa tayong nakikita na ito ay nakakasama sa kalusuguhan at kung wasto ang paggamit ng tecknolohiya siguradong ‘di maaapektuhan ang  ating kapaligiran.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit nga ang Korte Suprema ay nag-utos sa mga government agencies na siguraduhing maayos – at tama – ang  pamamaraan para sa pananaliksik  sa anumang GM crop bago ito ma-commercialize. Hindi naman talaga sinasalungat ang mga siyentipiko sa usapin ng GMO.

Pinatigil ang pananaliksik  sa BT talong sa Univeristy of the Philjppines Los Banos, hanggang maayos na ang pamamaraan ng regulasyon sa mga GM crops. Pero sa Bangladesh,  ito ay pinayagan nang gamiting ng mga magsasaka matapos pumasa sa lahat ng mga teknikalidad.

Ang talong kasi ay kinikilalang pangunahing pangangailangan sa Bangladesh, at masinop ang ginawang panananaliksik dito tulad ng PIlipinas.

Kaya naman naniniwala ako sa “organic farming,” pero dapat naman siguro ay huwag nating limitahan ang pagpili ng ating mga magsasaka kung anong pamamaraan ang nais nila sa pagtatanim.

Sa usapin ng food security, hindi basta maalis ang mga kemikal ng input sa ating mga sakahan.

Kaya nga pinipilit ng maraming siyentipiko na ang pagsasaliksik sa mga GM crops ay ‘di lang para mapataas ang antas ng produksyon habang lumiliit ang mga lupang masasaka. Pinipilit nilang mabawasan ang paggamit ng mga pestisidyo sa mga sakahan.

Ngayong 104 million na ang ating populasyon sa Philippines my Philippines, nakakapagtaka na may ilan na takot sa paggamit ng modernong teknolohiya tulad ng GMO dahil lang sa maling haka-haka.

Abangan.

Si Atty. Biyong Garing at ang Muntinlupa City Registry of Deeds

Sa nakaraang 113 Anibersaryo ng Land Registration Authority noong Lunes, February 1, 2016, humakot ng award ang Registy of Deeds ng Muntinlupa City.

Una - bilang Highest Excellent Award ng Civil Service Commission with final numerical rating of 95.30 sa ANTI-RED TAPE ACT (ARTA) REPORT CARD at pinakamataas na grado sa lahat ng Registry of Deeds sa buong Pilipinas, pangalawa -  bilang 2nd Top Performer sa lahat ng Registry of Deeds sa Philippines my Philippines na may Large Category, pangatlo -  bilang No. 11 Top Grosser sa lahat ng RD sa buong Pilipinas.

Sabi ni Atty. Biyong Garing, ng Registry of Deeds ng Muntinlupa City, ang mga award na yan ay mula sa pagtutulungan at pagsisikap ng kanyang mga tauhang sa opisina.

Pinasasalamatan din niya ang mga suportang ipinagkakalooa ng local government sa pamumuno ni Mayor Jaime R. Fresnedi at ng Sangguniang Panlunsod, ganoon din ang suporta ng Muntinlupa City Administrator na si Engr Allan Cachuela. Taos-puso rin ang kanyang pasasalamat sa kanilang Honorable Administrator, Atty. Eulalio C. Diaz III at sa kanilang dalawang Deputy Administrator, Hon. Ronnie Ortile at Hon. Bob Leyretana.

‘Higit sa lahat, my sincerest thanks to the Great Architect of the Universe, in giving me strength, inspiration and wisdom, to better serve all property owners of Muntinlupa City.’ sabi ni Biyong.

Mabuhay ka Atty. Garing and Congratulations.

Ika nga, KEEP IT UP!

Ang paninira kay Bongbong

CAMPAIGN period na sa Pebrero 9 up to Mayo 7 para sa national position sa pagka- pangulo, bise presidente, senador at partylist representatives.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng biruin ang eleksyong ito dahil ‘bloody’ ito.

Ika nga, huwag naman sana!

Sabi nga, siraan blues para sa magkakalaban kandidato para makuha ang tinatakbuhan nilang posisyon.

Kaya naman hindi na bago ang magiging istorya pagdating kay Senator Bongbong Marcos porke ready sila sa mga siraan blues o dirty tricks kaya tiyak haharangin ito ng kampo ng administrasyon para hindi siya makalusot sa plano niyang maging VP sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imbes pagtuunan ng pansin ang mga programa o plataporma-de-gobyerno ng bawat kandidato, nakasentro sa paninira ang ginagawa ng ilang politiko sa kanilang mga kalaban sa politika.

Tiyak na muling bubuhayin ng mga kalaban ni Bongbong ang usapin na may kinalaman sa kanyang ama at Martial Law.

Sabi nga, para hindi manalo!

Hindi malilimutan ng madlang Pinoy kay Bongbong ang kanyang ginawang pagsisilbi sa madlang people, magandang performance bilang dating gobernador at kongresista, at ang kanyang legislative work bilang senador.

Ika nga, ang plataporma at programa ni Bongbong ang dapat malaman ng madlang botante!

Abangan.

ACIRC

ANG

BIYONG GARING

BONGBONG

IKA

ITO

MGA

MUNTINLUPA CITY

NGA

REGISTRY OF DEEDS

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with