^

PSN Opinyon

OWWA Fund gagastusin lamang sa mga programa para sa OFW

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - The Philippine Star

PASADO na sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na pondo para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbibigay ng dagdag na kakayahan sa ahensiya na maka­pagpatupad ng mga programa para sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). 

Ayon sa Senate Bill 2955 o ang panukalang OWWA Charter, maaari nang magbigay ng pondo ang pambansang pamahalaan sa OWWA upang tustusan ang gastusin nito sa araw-araw na pagpapatakbo ng ahensiya at pampasuweldo sa mga opisyal at empleyado nito. 

Nakakain kasi ng gastos sa personal services at maintenance and other operating expenses (MOOE) ang higit 40% ng kabuuang gastos ng OWWA kada taon, na kinukuha mula sa kontribusyon ng mga miyembro. Ang halagang ito ay halos kapantay din ng taunang gastos ng ahensiya para sa mga programang nagbibigay ng benepisyo sa OFWs. 

Ayon kay Jinggoy na pangunahing may-akda ng panukala, sa pamamagitan ng dagdag na pondo na mula sa pamahalaan ay wala nang dahilan upang hindi maibigay ng OWWA ang kumpletong serbisyo para sa OFW saan man sa mundo. 

Ang OWWA Fund naman ay ilalaan nang buo para sa mga programa at proyektong para sa proteksiyon, kapakanan at kabutihan ng mga OFW at kanilang pamilya. Kabilang sa mga programang ipapatupad gamit ang OWWA Fund ay repatriation assistance katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA); pagkakaloob ng death, dismemberment at disability benefits; pagsasagawa ng mga pre-departure orientation seminars, psycho-social counseling at outreach missions; benepisyong pangkalusugan; mga scholarships at training para sa mga seafarers; reintegration program; at maging pagbibigay ng mga pautang. 

Nararapat lamang na maibalik nang buo sa OFWs ang mahusay na serbisyo mula sa OWWA, lalo pa’t ang OWWA Fund ay nalikom mula sa US$ 25 na kontribusyon ng mga miyembro nito. 

Inaasahan ni Jinggoy na maisasabatas sa lalong madaling panahon ang Senate Bill 2955, na isa sa kanyang 10 priority bills, lalo’t naipasa na rin ang bersiyon nito sa House of Representatives noon pang Oktubre 2014.

ACIRC

ANG

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JINGGOY

MGA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

OWWA

PARA

SENATE BILL

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with