^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga abusadong taxi driver

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, naging viral sa social media ang video ng isang galit na taxi driver matapos tumanggi ang kan­yang naging pasahero na magbayad ng dagdag na pa­masahe dahil sa pangongontrata.  

Kuwento ng babaing pasahero, umabot pa sa pagmu­mura at pisikal na pananakit ang engkwentro niya sa driver. Kahit sa pagbaba niya ay hinabol pa umano siya ng driver kaya naman naisip niyang kunan ng video ang insidente at i-upload sa social media. Dahil sa labis na takot, agad din itong nagreklamo sa pulis at kinasuhan na ang bastos na taxi driver. 

Mabuti na lamang at nakunan ng video ang pangyayari, at naging mabilis ang pag-aksyon sa kanyang reklamo. Ngunit marami pa sa iba nating mga kababa­yan ang may masamang karanasan sa sinasakyan nilang taxi at sa mga tsuper nito. 

Sa ilalim ng panukalang inihain ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada, nais niyang bigyan ng leksyon ang mga abusadong taxi drivers na nagsasamantala sa ka­nilang mga kawawang pasahero at lumalabag sa mga panuntunan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 

Sa Senate Bill 2872 ni Jinggoy, layon na patawan ng parusa ang sinumang tao na mapapatunayang maniningil ng mas mahal na pamasahe kaysa sa opisyal at takdang pamasahe, mga hindi gumagamit ng kanilang metro at sa halip ay nangongontrata, at pagtanggi sa paghahatid ng pasahero o ang mga tinatawag na isnaberong drayber. 

Pagbabayarin sila ng multang hindi bababa sa P5,000 hanggang P10,000 at pagkasuspinde sa pagmamaneho nang hindi bababa sa isang buong taon. Samantala ang anumang susunod na mga paglabag ay maaari namang magdulot ng permanenteng disqualification sa pagmamaneho ng isang pampublikong sasakyan. 

Ang taxi operator naman ay maaaring pagbayarin ng multang hindi bababa sa P10,000 hanggang P20,000. Ang sasakyan naman ay maaaring ma-impound nang hindi bababa sa isang buwan hanggang anim na buwan. 

Kasalukuyang nakabinbin sa Committee on Public Services sa Senado ang panukala. 

 

ACIRC

ANG

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JINGGOY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MGA

NBSP

PUBLIC SERVICES

SA SENATE BILL

SENADOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with