^

PSN Opinyon

SAF 44: Tunay na mga bayani

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BUKOD sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na minasaker sa Mamasapano ng mga Moro, ang pang-45 na natigok daw ay ang Bangsa Moro Basic Law (BBL) ayon kay Senate President Franklin Drilon.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Drilon. Kung hindi sa nangyaring insidente sa Mamasapano na kagagawan ng mga rebeldeng Moro, baka isa nang batas ang BBL. Malamang bibilang na lang tayo ng maigsing panahon at mahihiwalay na ang malaking bahagi ng Mindanao sa Pilipinas na tatawaging Bangsamoro Republic.

Kaya dapat saluduhan at ituring na bayani ang mga  nagbuwis ng buhay sa Mamasapano. Dahil sa kanila, naisalba ang pagkahati ng Pilipinas. Sana pahalagahan ito ng susunod na administrasyon ay ipagtayo ng bantayog ang mga bayaning ito na nagpakamatay para sa kapakanan ng bansa.

Aminado si Drilon na malabo nang maging batas ang BBL na isinusulong ng administrasyong Aquino. Mabuti naman. Isang bagay iyan na pasalamatan nating lahat. Kung pagbibigay ng tunay na awtonomiya ang puntirya ng gobyerno, dapat at makatarungan lang na konsultahin ang lahat ng mamamayan lalu na yung mga naninirahan sa Mindanao. Hindi lang yung iisang sector poli­tical tulad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tuta ng Malaysia.

Sinasabi ni Drilon na pati ang prosesong pangkapa­yapaan ay nadamay sa naganap na insidente. Diyan ako hindi bilib. Kung napagtibay ang BBL, alam kong magsisipag-aklas ang ibang sector sa Mindanao na hindi sang-ayon diyan. Yung mga Kristiyano at iba pang ethnic group na initsapuwera sa usapan. Lalung lalayo ang inaasam na kapayapaan

Nagtataka ako kung bakit ang gustong managot ng Pangulo sa madugong insidente ay ang mga pulis at militar na nagkamali pero hindi niya tinukoy kailanman ang mga rebeldeng moro na may kagagawan sa pag-masaker ng sarili nating mga tagapagpatupad ng batas.

Sabi nga, lahat ng mga bagay ay nangyayari nang may kadahilanan. Nakakapanlumo na may mga nasawi sa insidente pero hindi nawalan ng saysay ang kanilang kamatayan dahil ito ang nagligtas sa ating bansa sa pagkakahati.

ACIRC

ANG

BANGSA MORO BASIC LAW

BANGSAMORO REPUBLIC

DRILON

MAMASAPANO

MGA

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PILIPINAS

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with