^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Marami pang Pinoys ang walang toilet

Pilipino Star Ngayon

MARAMING Pinoy ang nag-aari ng cell phone. Halos lahat na yata ay mayroong cell phone. Hindi na kumpleto ang kanilang buhay kung walang cell phone. Pero alam n’yo ba na sa kabila na marami na ang may cell phone, 26 percent ng population ang wala pa ring sariling toilet. Ayon sa Department of Health (DOH) sa kabila na mayroon nang malinis na tubig na dumadaloy sa bawat bahay, ang kawalan ng toilet ay patuloy na nag­bi­­bigay ng problema sa mamamayan. Maaaring ma­kontamina ang inuming tubig kung hindi magkakaroon ng toilet sa mga pamayanan.

Kapag walang toilet ang bawat pamilya at kung saan-saan na lamang dumudumi, nakaamba ang maraming sakit. Kakalat ang mga sakit na nag­du­dulot ng kamatayan sa mamamayan. Nangunguna ang diarrhea sa mga sakit na nananalasa dahil sa kawalan ng toilet. Karaniwang tinatamaan ng diarrhea ay mga bata.

Karamihan sa mga taong nasa rural areas o mga probinsiya. Kung saan-saan sila dumudumi --- tabing ilog o sapa, punongsaging, punong­niyog, punongkahoy at iba pang tagong lugar. Ayon sa isang report, ang mga probinsiyang walang toilet ang mamamayan ay ang Masbate, Negros Occidental, Maguindanao, Tawi-Tawi at iba pang probinsiya sa Luzon.

Maski sa Metro Manila ay marami pa ring walang toilet. Sa Maynila, binanggit sa report na ang mga residente sa Isla Puting Bato, Baseco sa Tondo at ganundin sa Quiapo at mga lugar na nasa gilid ng estero at Pasig River ay walang sariling toilet Kung saan-saan na lamang dumudumi umano ang mga residente sa nabanggit na lugar.

Sinabi naman ng DOH na nagpapatuloy sila sa pagmumulat sa mamamayan nang kahalagahan nang pagkakaroon ng toilet. Ayon pa sa DOH, mayroon nang 11 bayan sa bansa na naka-achive ng ‘‘zero open defecation’’sa ilalim ng kanilang Zero Open Defecation Program. Ang mga bayan ay ang Malungon, Sarangani; Buenavista, Quezon; President Roxas, Cotabato; Arakan, North Cotabato; Agdangan, Quezon; Monreal, Masbate; Mercedes, Eastern Samar; at Mayorga, La Paz, Tunga at Pastrana, sa Leyte.

Paigtingin pa ng DOH ang kampanya sa pagkakaroon ng toilet para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

ACIRC

ANG

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

EASTERN SAMAR

ISLA PUTING BATO

LA PAZ

MASBATE

METRO MANILA

MGA

TOILET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with