^

PSN Opinyon

Kulelat sa apat si Cayetano

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINIDA ng mga assetng mga kuwagong ORA MISMO, kung tutuusin, maituturing na kulelat na si Sen. Alan Cayetano sa pinakahuling survey ng SWS result last January 6-10 batay sa kinapanayam na 1,200  respondents.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa anim na naglalaban sa vice presidential race, maituturing na sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Bongbong Marcos, Rep. Leni Robredo at Cayetano na lamang ang makikitang nagpupukpukang mga kandidato dahil ang dalawa pang kandidato na sina Sen. Gringo Honasan at Sen. Sonny Trillanes ay left behind na.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Trillanes at Honasan ay nakapagtala lamang ng tig-isang digit na rating habang nasa two-digit percentage naman meron ang apat. Kaya nga si Cayetano ang pinakakulelat sa apat na nangungunang kandidato sa pagkabise-presidente.

‘Nangangamote ngayon si Cayetano.  Ang dating 17% na nakuha niya sa SWS ay bumaba sa 14%. Mataas pa rin sa kanya si Robredo na nakapagtala ng 17% mula sa dating 19%.’ sabi ng kuwagong salawahan.

Tuluyan nang iniwan si Cayetano nina Escudero at Bongbong na ngayon ay gitgitan na sa una at ikalawang puwesto.

Ayon sa mga asset ng mga kuwagong ORA MISMO, bandera sa survey si Escudero,.  Si Bongbong naman, mula sa dating 19% ay umakyat sa 25%.

Ika nga, may improvement si Bongit.

‘Kaya nga dikdikan na sina Escudero at Bongbong, ikatlo si Robredo at kulelat naman si Cayetano.’ sabi ng kuwagong sota,

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mali ang paniniwalang kapag nadikit ka kay Davao City Mayor “Digong” Duterte, tataas ang iyong rating sa mga survey.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ito ang nangyari kay Cayetano, sa halip na tumaas ang kanyang rating sa mga survey, patuloy na bumubulusok at malamang na tuluyang maiwan sa kangkungan habang papalapit ang halalan.

Ika nga, mukhang pinangdidirihan diumano ng madlang botante si Cayetano?

‘Kaya nga, uulitin ko, ang boto ni Digong ay hindi nangangahulugang magiging boto kay Cayetano.  Tulad din sa pagsasabing ang popularity ni Digong ay hindi na­ngangahulugang aakyat din ang popularidad ni Ca­yetano.’ Sabing kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

Kabayo ni Congressman

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang opisyal dyan sa kongreso na binansagan ‘kabayo ni Congressman’ dahil betka pala itong bebot kaya naman lalong lumaki ang ulo nito noon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinuha ni Lord si Congessman kaya naman nabago ang takbo ng buhay nito kaya tuloy sa dami nang mga kasamahan naggagalaiti sa galit sa kanya kaya sa kankungan ito pinulot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng  ORA MISMO, dahil utak hoodlum ang istilo ng ‘kabayo ni Congressman’ gumawa ito ng milagro sa kanyang opisina.

Ano iyon?

Sagot - kumukuha siya ng sueldo kahit nasa ibang bansa ito.

Ika nga, Ombudsman case ito!

‘Nakakuha nang kopya ng travel abroad records sa Bureau of Immigration laban sa kabayo ni Congressman katulad ng biahe niya sa Malaysia, Hongkong, Singapore at dalawang beses sa US of A!

Abangan.

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

CAYETANO

DIGONG

IKA

KAYA

MGA

MISMO

ORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with