^

PSN Opinyon

Inspirasyon ang kuwento ni Pia Wurtzbach

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NGAYON darating ang ating Miss Universe na si Pia Wurtzbach. 

Sa kanyang homecoming, inaasahan ang mainit na pagtanggap ng mga kababayan dahil sa kanyang ini­uwing karangalan, hindi lamang dahil sa kanyang ang­king panlabas na ganda at hubog ng katawan, kundi ang pagpapamalas niya ng kanyang talino, kumpiyansa sa sarili, pagpapakumbaba, at mabuting asal. 

Nais kong batiin si Pia sa kanyang matagumpay na paglahok sa prestihiyosong Miss Universe pageant kung saan napanalunan niya ang inaasam na titulo at korona makaraan ang 42 taon. Unang Pinay na Miss Universe si Ms. Gloria Diaz noong 1969 at ikalawa si Ms. Margie Moran noong 1973. 

Ang istorya ni Pia ay inspirasyon para sa lahat sa pagiging determinado at hindi pagsuko sa pag-abot ng mga pangarap. Siya ay tatlong beses sumali sa Binibi­ning Pilipinas pageant bago nanalo at nakuha ang pagkakataong maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe. 

Hindi siya pinanghinaan ng loob sa ilang ulit na pagsali at pagkatalo, bagkus ay nagpursige pa upang makamit ang tagumpay. 

Matiyaga niyang pinaghandaan ang pagsali sa beauty pageant, nag-ehersisyo, sumailalim sa mabibigat na pag­sasanay at nag-aral nang mabuti upang maging pinaka-maganda at mahusay na kandidata. 

Makikita rin ang kanyang pagmamahal sa pamilya nang sa murang edad ay tumayo siyang bread winner at tagapagtaguyod ng kanilang pamilya sa pamama­gitan ng kanyang pag-aartista at modeling, kasabay ang pag-aaral. 

Isang resolusyon naman ang ipinasa ng Senado noong Lunes upang bigyang pagkilala ang kanyang tagumpay at pagbibigay ng magandang imahe sa lahat ng Pilipina. Sa Enero 27, inaasahan ang kanyang pagbisita sa Senado, House of Representatives at Malacañang.

ACIRC

ANG

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KANYANG

MISS UNIVERSE

MS. GLORIA DIAZ

MS. MARGIE MORAN

NBSP

PIA WURTZBACH

SA ENERO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with