^

PSN Opinyon

Si Poe at ang SC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magiging makatuwiran ang Supreme Court sa kasong disqualification ni Senator Grace Poe dahil tiyak na mahihimay, mababasa at mapag-aaralan ang mga ebidensiya na hinarap ng anak ng Panday na hindi man lang binigyan diumano ng pagkakataon ng Comelec na kalikutin o bigyan ng oras para basahin kaya hayun na basura ang kandidatura ni Grace dahil sa diumano’y usapin ng citizenship at residency.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi man lang nagkaroon ng merito ang naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal sa case problema na inihain noon ni Rizalito David, isang nuisance candidate, para sa May 2016 election versus Grace sa naging desisyon ng 1st at 2nd division ng COMELEC, sa katuwirang “independent” ang dalawa sa isa’t isa.

Naku ha!

Talaga lang ha?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa desisyon, idineklara ng SET, ang nag-iisang tribunal na maaaring duminig sa kaso laban sa isang senador sa aspeto ng kanyang kwalipikasyon para maging miembro ng Senado, na Pinay si Grace Poe batay na rin sa umiiral na mga internasyunal na mga kasunduan at mga batas ukol sa mga “stateless” na kagaya ni Poe na isang pulot, o foundling.

‘Huwag lang maging “teknikalidad” ang lahat at gamitin din ang pinakapuso at kaluluwa ng umiiral nating mga batas.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi nga, ang batas ay ginawa hindi lang para sa mga mayayaman kundi para proteksyunan ang mahihina at inaapi.’

Sabi nga, ang isang foundling ay isa sa mga sektor na masasabi nating “marginalized” kung kaya dapat ay protektahan ng batas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binalewala ng COMELEC ang naging katuwiran ng SET sa kaso ni Poe, sana kahit konting pagtingin ay bigyan ito mga magagalang nating Mahistrado sa SC.

Abangan.

Si Rep. Leni Robredo

HINDI biro ang mga kontrobersyang kinasasangkutan mismo ng mga pinakamataas na government officials sa Philippines my Philippines kaya tuloy naalala ng mga Kuwago ang Pangulong Manuel L. Quezon, na nagsabing “nagtatapos ang katapatan ko sa aking partido kung saan nag-uumpisa ang aking katapatan sa bansa!”

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala na marahil kasing-akmang linya sa kasaysayan upang idikdik sa napupurol nang sentido ng ilang miembro ng LP, lalung-lalo na sa ilang kasapi nila sa Kongreso na bumoto para isabatas ang P2,000 karagdagan SSS pension. Pangunahing halimbawa ang poster girl ng administrasyon na si VP-wannabe Leni Robredo. Three months pagkatanggap ng moro-morong panunuyo matapos ang halos kalahating taong mala-teatrong pagpapabebe, heto naging mas matimbang na ang inusal na pala-palagay ni P. Noy kesa sa pagtugon sa pinakapayak na pangangailangan ng halos dalawang milyong retirado.

Sabi nga, hindi lang nakapagtataka, nakakainit pa ng ulo. Hindi lang nakagigitla, nakakasuka na ang kaplastikang ito.

Tanong - anong nangyari Leni?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malinaw naman siguro na napagtanto niya noon na dapat at tama ang panukalang ito, kaya noong pagbotohan sa Kongreso idinagdag niya ang kanyang boto. Hindi ba nito napagtanto na simpleng pag-aampon lang ng argumento ng SSS at DoF doon sa mga pagdinig sa Kongreso ang ginawa ng pangulo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang biglaang pagtalikod ni Robredo,  kagaya ng kanyang mariing pagtutol sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Mamasapano massacre ay nagpapakita diumano ng lalo pang paglala ng karakter nito, ang mala-trahedyang pagbabago bilang isa nang loyalistang sarado at sunud-sunuran - tama o mali - sa gusto ng partido. Wala na ni-bakas ng pagiging dating lider progresibo.

Sabi nga, nakakasuka ang bigla mong paghuhunyango, Leni.  Isa ka nang TRAPO?

Tanong - anong nangyari sa “independence” mo? Nasaan na ang “paninindigan” na noon sa mga “palabas” ninyo ay tila solong pag-aari mo? Kung yan ang iniwan sayo ng kabiyak mong yumao, sana’y hindi ka bangungutin sa gabi - kung nagagawa mo pang itulog ang bigla mong pagbabago. Kung ito ang “tsinelas leadership” na binibida mo. pasensiya na Leni, magpapaa na lang ako.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malapit na ang eleksyon. Madaling sabihin na may malasakit ka para sa madlang people pero sana hindi ang langit sa larawang inuukit ng bulaklaking talumpati ang manaiig kundi ang pagbibigay-timbang sa aksyon at posisyon ng mga kandidato sa kanilang pagpili.

Abangan.

 

ACIRC

ANG

AYON

HINDI

KONGRESO

KUWAGO

LANG

LENI

LENI ROBREDO

MGA

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with