^

PSN Opinyon

Paano malulugi ang SSS

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG Social Security System (SSS) sa akin ay para sa kapakanan ng mga manggagawa. Walang patlang na naghuhulog ng kontribusyon ang mga workers para kapag nagretiro sila ay mayroon silang impok at pensyong tatanggapin. Mula rin dito ang perang itinutustos sa pagkakasakit, disability o kamatayan ng miyembro.  Totoong taun-taon ay dumarami ang mga nagreretiro na dapat bigyan ng benepisyo at pension. Pero marami rin naman ang  pumapasok sa workforce maliban na lamang kung bagsak ang ekonomiya at mas maraming kompanya ang nagbabawas ng empleyado.

Pero ang gobyerno mismo ang nagmamalaki na ma­ganda ang takbo ng ekonomiya kaya walang dahilan kung bakit dapat mabangkarote ang SSS kapag tinaasan­ ng P2-libo ang sahod ng mga manggagawa na talaga na­mang kailangan ng mga retirado. Maganda ang bill na nagtataas sa buwanang pension ng mga retirado ng P2-libo kada buwan. Kakarampot lang kasi ang pension ng mga retirado at kahit P2-k lang, pandagdag din ito sa pambili ng gamot ng mga retiradong sakitin na.

Pero ibinasura ito ni Presidente Aquino. Imbes pirmahan ang enrolled bill ng Senado at Mababang Kapulu­ngan, na-veto ito. Nasilat ang magandang inaasahan ng mga retirado. Si Sen. Cynthia Villar na kasama sa mga umakda ng panukalang batas ang nagsabing, may kalabuang mabaliktad pa ang desis­yon ng Pangulo. Sa ilalim ng batas, ang bill na hindi inaksyonan ng Pangulo ay awtomatikong magiging batas sa loob ng 30-araw matapos itong upuan ng Presidente. Kung na-veto, puwede itong ma-override ng two-thirds votes ng mga mamba­batas ng dalawang kamara, kaso, malabo na raw itong mangyari…hayyz.

Inuulit ko, sa tingin ko’y imposibleng malugi ang SSS basta’t tama ang paggamit ng pondo at episyente ang pangungulekta nito. Dapat ding maghigpit sa pagpapataw ng parusa ang pamahalaan sa mga kompanyang hindi nag-iintrega ng monthly contribution sa SSS ng kanilang mga kawani.

ACIRC

ANG

CYNTHIA VILLAR

DAPAT

MABABANG KAPULU

MGA

PANGULO

PERO

PRESIDENTE AQUINO

SI SEN

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with