^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi maramdaman pagbaba ng gasolina

Pilipino Star Ngayon

BIG TIME rollback ang petroleum products noong Martes ng madaling araw. Nag-rollback ng P1.40 ang rollback sa diesel at P1 sa gasoline. Nagbawas din ng P1 ang kerosene. Ngayong 2016 tatlong beses nang nag-rollback ang petroleum products at ayon sa report mayroon pang rollback sa mga susunod na linggo. Ang pagbaba ng petro­leum products ay dahil umano sa pagkaka­alis ng sanction ng US sa Iran.

Ang nakapagtataka, kahit na mababa na ang presyo ng petroleum products, ang mga pangunahing bilihin ay nananatili pa rin at hindi natitinag. Kaya walang maramdaman ang mga karaniwang mamamayan sa big time rollback. Hindi nila ma-feel ang sinasabing bawas-presyo sa gasolina sapagkat ang mga pangunahing bilihin ay mataas pa rin ang presyo.

Walang pagbabago sa presyo ng bigas, isda, asukal, sardinas, mantika, noodles,  at iba pang bilihin. Kaya marami ang nagtatanong kung ano ang ginagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong mababa na ang petroleum pro­ducts. Nakaupo lang ba sila sa kanilang malamig na opisina at naghihintay ng suweldo at kanilang allowance. O naghihintay na muling tumaas ang petroleum products. Kailangan pa bang ipaalam sa kanila na mababa na ang presyo ng gasoline at diesel. Hindi ba nila namomonitor ang mga kaganapan sa paligid?

Dapat din namang kumilos ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa rollback ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ang mga jeepney driver lamang ang lubos na nakikinabang sapagkat dati pa rin ang bayad o pasahe pero mababa na ang diesel. Inamin ng mga jeepney driver na kumikita sila sa sunud-sunod na rollback at handa rin silang magpatupad ng bawas pasahe. May humihiling na gawing P7 ang pasahe sa jeepney.

Nararapat lamang maramdaman ng taumbayan ang sunud-sunod na rollback ng petroleum pro­ducts. Ipadama ito ngayon na!

ACIRC

ANG

DAPAT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

INAMIN

IPADAMA

KAYA

LAND TRANSPORTATION

MGA

ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with