^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malulugi raw ang SSS kapag nag-increase ng 2K

Pilipino Star Ngayon

SABI ni President Noynoy Aquino at ng CEO ng Social Security System (SSS) mismo, malu­lugi raw ang SSS kapag pinayagan ang P2,000 increase sa mga pensioner. Ang magiging total payout daw ay aabot ng P56 billion sa loob ng isang taon samantalang ang annual investment income lamang ng SSS ay P30-40 bilyon. Kapag binayaran ang pensioners magkakaroon ng deficit na P16 billion hanggang P26 billion. Mauubos aniya ang pondo ng SSS at aabot na lamang hanggang 2029. Ano raw ang ibabayad sa mga pensioner sa hinaharap. Taun-taon din daw ay may mga nagreretiro.

Ito ang dahilan kaya hindi nilagdaan ni P-Noy ang House Bill 5842 na naglalayong dagdagan ng P2,000 ang tinatanggap na pensiyon ng mga SSS retirees. Ang pinakamababang pensiyon  na natatanggap ng mga retirees ay P1,200. Ang pagtanggi o pag-veto ni P-Noy sa increase ng pension ay nagbunga nang maraming batikos. Karampot lamang daw ang hinihinging increase pero hindi pa pinagbigyan ng Presidente. Hindi naman daw ito magdudulot ng pagkalugi sapagkat maliit lang kumpara sa mil­yong pisong suweldo ng SSS officials. Bukod sa suweldo ay mayroon pa rin daw naglalakihang bonus at incentives ang maraming opisyales ng SSS.

Nagpapakita ng kahinaan ang pagsasabing malulugi ang SSS kapag pinagbigyan ang P2,000 increase. Para na ring sinabi ng Presidente na hindi umuunlad ang ekonomiya ng bansa gayung siya ang nagsabing umangat ito. Kung umaangat ang economy, ibig sabihin, maraming magkakaroon ng trabaho. At kung may mga nagtatrabaho, ibig sabihin magkakaroon din ng mga bagong mi­yembro ang SSS. Kaya paano masasabing malu­­lugi ang SSS kapag nagdagdag ng P2,000 increase. Hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng Presidente sa hindi pag-apruba sa House Bill 5842. Naging negatibo agad siya.

Mas nakapagbibigay-pag-asa naman ang sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na kung hindi puwede ang P2,000 increase bakit hindi ga­wing P1,000. Hindi na raw kailangang idaan ito sa Kongreso at mismong si P-Noy at ang SSS officials ang magdesisyon dito.

Sana nga, isulong ito ni Belmonte para sa kapakanan ng SSS retirees.

ACIRC

ANG

ANO

HINDI

HOUSE BILL

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

MGA

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with