^

PSN Opinyon

Pagpapatawad sa kasong adultery

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

MADALAS sa mga kaso ng mag-asawa ay ang lalaki ang nanloloko samantalang ang babae naman ang  martir na tahimik na nagtitiis sa lahat ng pasakit.

Ang kuwento nina Felipe at Celia ay taliwas sa karaniwan. Kasal sila sa loob ng 12 taon at nagkaroon ng tatlong anak. Hindi nakapag-aral si Felipe at nagtatrabaho bilang mason sa isang construction company. Dahil sa klase ng trabaho, madalas na Sabado at Linggo siya umuuwi para dalawin ang asawa at mga anak.

Sa isa sa mga pagdalaw ni Felipe ay hindi niya natagpuan sa bahay si Celia. Ilang beses niyang tinawag ang asawa pero hindi niya nakita. Pumunta siya sa kalapit na burol sa pag-aakala na sumalok lang ng tubig ang asawa. Nang makarating sa lugar, nakita niya si Celia na aktong nakikipagtalik sa ibang lalaki.

Nang makita si Felipe ay agad itinulak ni Celia ang kalaguyo. Hinawakan agad ng kalaguyo ang kanyang baril. Upang mailigtas ang sarili, lumayo si Felipe, umuwi ng bahay at kinuha ang kanyang gulok. Nagdalawang-isip siya pagdating sa bahay. Hindi na niya sinugod ang dalawa.

Nang sumunod na araw, kinumpronta niya si Celia na umamin na may relasyon siya sa ibang lalaki. Nagsampa ng reklamo sa pulis si Felipe upang kasuhan ng adultery ang asawa. Pagkatapos, sinabi niya sa pulis na hindi na muna niya isasampa ang kaso dahil naaawa siya sa mga anak at isa pa, wala rin namang pera ang kanyang asawa.

Sinabi niya na iniisip niyang patawarin na lang ang asawa. Isang salaysay na nakasulat sa Ingles ang agad na ginawa at pinapirmahan sa kanya. Nakalagay doon na pinatatawad na niya ang asawa kung kusa siyang hihiwalay at susuportahan ang kanilang mga anak. Nagbago rin ang isip ni Felipe at itinuloy ang pagkaso sa asawa. Ayon naman kay Celia, hindi na puwedeng magkaso si Felipe dahil pinatawad na siya nito at nakasaad iyon sa salaysay na pinirmahan niya. Tama ba si Celia?

MALI. Ang pagpapatawad para sa kaso ng adultery o concubinage ay dapat gawin bago pa man isampa  ang kaso. Kailangan din na pa­rehong patawarin ang dalawang nagkasala. Ang pagpapatawad ay dapat malinaw, maaari itong gawin sa pamamagitan ng isang salaysay na sinasabi na pinatatawad ng asawa ang kanyang kabiyak pati na ang kalaguyo nito. Puwede rin naman na hindi tu­­wiran ang pagpapatawad sa pamamagitan ng pagpayag niya na patuloy pa rin silang magsama ng nagkasalang asa­wa matapos gawin ang krimen. Sa kasong ito, walang tuwiran o hindi tuwiran na pag­papatawad na ginawa si Felipe. Ang affidavit na ginawa ay hindi talaga pagpapatawad kundi isang deklarasyon lang na patatawarin ang asawa. Isa pa, ang salaysay ay nakasulat sa Ingles at madalian lang na ginawa. Hindi ito kapani-paniwala lalo sa isang tulad ni Felipe na hindi naman nakapag-aral (Ligtas vs. Court of Appeals, 149 SCRA 514).

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASAWA

AYON

CELIA

COURT OF APPEALS

FELIPE

HINDI

NANG

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with