Bagong anyo ng MPD HQ
BUKAS tiyak na marami ang magugulat sa malaking pagbabagong anyo ng Manila Police District Headquarters. Ito kasi ang ika-115th anniversary na dadaluhan ng mga dating district diectors at mga legendary police officers. Ang unang makakapukaw ng pansin sa mga tinutukoy kung mga bisita ay itong napakagandang kaayusan ng headquarter’s na ginastusan ng milyones ni Manila Mayor Joseph “ Erap” Estrada. Mula sa lobby masisilaw ka sa kinang at kintab ng sahig at ang bagong pinturang dingding, lalo pang lumutang ang kagandahan sa mga bagong renovate na mga opisina ng mga investigation section, maging ang kisame ay inayos kung kaya nawala na ang bakas ng mga anay. Ang kaayusan naman ng ikalawang palapag ng MPD ay lalong tumingkad dahil pinalitan na ang mga butas-butas na marmol mula hagdan hanggang sa opisina ni MPD director C/Supt. Rolando Nana. Bunga ito ng magandang relasyon nina Nana at Mayor Estrada.
Syempre hindi mabubuo ang selebrasyon kung walang awarding ceremony bilang pagkilala sa mga opis-yales ng MPD na gumanap ng magagandang papel sa pagtugon sa mga kahilingan ng mga Manilenos. Kasi nga ang 2014 ay naging sentro ng Security Concern na kung saan nagampanan naman ng mga taga-Manila Police District. Noong kasagsagan ng APEC Summit, na-ging maayos at ligtas ang mga delegado sa paglilibot sa lahat ng sulok ng Maynila, kasi nga kaliwa’t kanan mga pulis Maynila ang nakabantay kaakibat ang iba’t ibang contingent forces. Ang Christmas at New Years celebration ay naging tahimik.
At nito ngang nagdaang prusisyon ng Mahal na Poon ng Itim na Nazareno, naging mabilis at maayos ang pag-usad ng andas mula sa Quirino Grandstand hanggang sa pagpasok nito sa Basilika ng Nazareno sa Quiapo. Kaya hinangaan si Nana ng mga opisyales ng Camp Crame at ng National Capital Region Police Office siyempre kasama sa sinaluduhan diyan ang ilang opisyales na nangasiwa sa kaayusan. Ayon kasi sa aking mga nakausap, si Supt. Albert Barot ng Ermita, Police Station (Station 5) ay malaki ang naging papel noong APEC Summit dahil halos ng hotel sa Ermita ay napuno ng mga foreign delegates. Secured ang lahat ng mga bisita sa super higpit ni Barot sa pagbabantay ng kanyang mga tauhan.
Ang pista ng Quiapo ay naging zero incident itoy matapos na pangasiwaan ni Supt. Jacson Tuliao at Plaza Miranda-Police Community Precints Commander C/Insp. John Guiagui ang security deployment. Kaya nang iprusisyon ang Poon ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand haggang sa ilibot ito sa buong kapaligiran ng Quiapo ay naging maayos at walang naiulat na karasahan. Sa tingin ko nakakasiguro na sina Barot, Tuliao at Guiagui ng napakaningning na Award mula kina Estrada at Nana.
Subalit kahit saang okasyon ay nasisingitan din ng kunting palpak, kasi may naamoy ako sa awarding na may naisingit na naman na bugok at hindi karapat-dapat na parangalan, ang tinutukoy nito ng aking mga kausap at ay ang award na ibibigay umano kay PO3 “ One Shot” pulis Uno na napakaraming kabulastugan ang ginawa sa hanay ng kaulisan. Si “ One Shot” umano ang kakutsaba ng mga hao shiao sa pambabangketa ng pushers sa Tondo, subalit tinalikuran siya nang mabuking at magsauli ng datung sa isa niyang biktima sa harap ni C/Insp. Riparip, hehehe! Makakalusot kaya siya sa puna ng kanyang mga kabaro Abangan!
- Latest