P555K kurakot ng kapitalista
ALAM ba ninyo na 15 milyon na ngayon ang contractuals o endos sa mga shopping mall, fast food at pabrika?
Talos din ba ninyo na noon pa kinondena ng Supreme Court sa kasong Cielo vs. NLRC ang kontraktwalisasyon bilang isang “mapanlinlang na kasunduan?”
Kaya matagal na kayong niloloko ng mga gahamang kapitalista. Sa totoo lang dapat tuluy-tuloy ang inyong trabaho at hindi kayo tinatanggal bawat 5 buwan dahil sa mapanlinlang na kontratang pinirmahan nyo.
Dahil ang pagtitiwalag sa inyo bawat 5 buwan ay labag sa Saligang Batas at sa Article 280 ng Labor Code.
Kayo ay may karapatang magsampa ng kaso sa NLRC for reinstatement with full back wages and restitution of other labor benefits plus damages and attorneys’ fees.
Humigit-kumulang ang ipinagkait na mga sahod at benepisyo sa bawat isa sa inyong 15 milyong contractuals ay P555,000 bawat isa sa loob ng bawat 3 taon kasama na ang damages at attorneys’ fees.
Nasa P92.500 ang dapat ninyong tanggapin sa isang taon maliban sa inyong suweldo mula sa 13th month pay, salary differentials para sa 5 buwan, COLA, night differential, maternity, holiday pay, overtime pay, sick leave, vacation leave, etc.
Nasa P277,500 ang benefits na ipinagkait sa inyo sa loob ng 3 taon plus P277,500 para sa 100% damages kaya ang total claim ng bawat manggagawa sa 3 taon ay P555,000.
Halos P55.5 trillion naman ang ipinagkait sa pangkalahatan sa loob ng 40 taon na hindi ipinatupad ang Article 280 ng Labor Code.
Maaari tayong magsampa sa NLRC ng P4.2 trillion na class suit o pangkalahatang demanda sang-ayon sa 3 taong prescriptive period ng NLRC laban sa mga manlilinlang na mga dambuhalang negosyanteng karamihan ay walang puso.
Demandang pangkalahatan ng contractuals laban sa mga gahamang negosyante na isasampa sa NLRC, ngunit sa bigat ng mga tycoon kailangan natin ang kakampi na mas mabigat.
Kaya bigyan ninyo ako ng mataas na kapangyarihan upang mas maganda ang laban natin sa NLRC, makiisa at pumirma sa laban na ito,
Lumahok sa signature campaign at makibahagi sa P555,000 na dapat ay sa inyo bawat tatlong taon kung hindi kayo niloko.
- Latest