^

PSN Opinyon

‘Hello Garci’ noon, ‘Hello Guanzon’ ngayon!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Bakit?

Sagot - magkakasama sila sa COMELEC na parang nakasakay sa isang bangka pero iba ang kanilang sagwan.

‘Paano magkakaroon ng integridad ang eleksyon sa Mayo kung sila mismo sa COMELEC ay nagkakagulo at tipong hindi magkasundo?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kahit anong tingin mo kasi sa kasong kinakaharap ni Sen. Grace Poe na tumatakbong pangulo sa 2016 presidential election ngayon, ito malamang ang naiusal mo sa sarili sa gitna ng inasal ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na mistulang nawala sa wisyong diumano’y nagkalat sa media matapos sitahin ito ni Comelec Chairman Andy Bautista dahil sa comment na isinumite ni Guanzon sa SC na wala palang basbas ni Bautista at ng Comelec En Banc.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sobra daw maka-react si Guanzon. Imbes na sagutin na lang si Bautista ng maayos at harap-harapan, akalain mong tinarayan niya ito at nag-“media tour” pa para ipagtanggol kuno ang sarili?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa buong kasaysayan ng COMELEC wala silang maalalang miembro ng kunsumisyon este mali  Komisyon pala na ganito kaingay.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang chairman o spokesperson nito ang madalas humaharap sa media.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinakahuling COMELEC Commissioner na naalala nilang gumawa ng ‘noise’ sa media ay si Virgilio Garcillano ng pamosong iskandalong “Hello Garci.”

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Nagmukha tuloy propeta ang mga taga-COMELEC na swak-na-swak ang pahayag nang sinabi ng mga itong “parang mas importanteng maisalba ni Guanzon ang sarili nitong pangalan, kesa sa reputasyon ng Comelec” bilang isang institusyon.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit ba napaka-defensive ni Guanzon sa obserbasyon na isa diumano siya sa mga  “bata” ni Mar sa Comelec?

Naku ha!

Ano ito?

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa picture nito sa ‘facebook’ kitang-kita ang paninilaw nito? Napapatunayan kaya ang mga alegasyong ito ng katotohanang siya ay “sorority sister” ni Sen. Frank Drilon?

Siguro nama’y hindi mo matatanggal sa madlang people ang mag-isip laban sa kanya dahil maliban sa mga katanungang ito, mukhang siya lang ang nagmamadali na parang may humahabol nang isumite nito ang komento laban kay Poe nang walang pakundangan sa pirma at maaaring dagdag na komento ng kanyang mga kasamahan sa COMELEC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na sila magtataka kung bakit hindi ito ma-confirm, confirm bilang commissioner sa COA noon at kung bakit hindi rin ito naisama sa shortlist ng JBC para sa mga noo’y umaambisyong pumalit sa nagretirong si Justice Roberto Abad.

Bakit?

Sagot - kayo ang mag-isip.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga naglipanang mga kontrobersyal at mga eskandalong dala na rin siguro ng nalalapit na eleksyon, bigyan sana ng prayoridad ang pagpapabuti ng reputasyon ng bawat isang bumubuo sa Comelec at pagsasaayos ng kredibilidad ng nasabing komisyon bilang isang institusyon.

Abangan.

Poe huwag kang papayag

Hindi dapat mag-inhibit si Sen. Grace Poe sa re-opening nang pagdinig ng Mamasapano, maganda at maraming humanga sa anak ng Panday during investigation noon,

Sa palagay, ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  mahalaga na malaman ng madlang people  kung anuman ang mahalagang impormasyon hinggil sa madugong bakbakan ng grupo ng Special Action Force at mga separatistang Muslim sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. Ang operasyon ay ikinasawi ng 44 na operatiba ng SAF, 18 katao mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), walo mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at ilang mga sibilyan na naipit sa palitan ng mga putok.

At kaya bubuksang muli ang Mamasapano case ay dahil para higit na malinawan at mapanagot ang dapat managot sa madugong engkwentro na naiwasan sana kung nagkaroon lang ng malinaw na koordinasyon ang may command at ang nasa field. Ito ang hiling ni Sen. Juan Ponce Enrile dahil nakakulong siya sa kasong plunder noong mga panahong may imbestigasyon ang Senado.

Sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  kaya ayaw nina Naga City Rep. Leni Robredo at maging ng ilang nasa palasyo ang muling mag-imbestiga si Poe ay dahil natatakot itong magisa nang husto ang kanilang pambato sa pagka-presidente na si Manuel Araneta Roxas II, na sinasabing isa sa may ginawang malaking kapalpakan kung kaya nautas ang 44 na mi­yembro ng SAF nang ratratin ito ng mga separatisang Muslim sa Mamasapano.

At kung talagang walang dapat pagtakpan ang ilan diyan hinggil sa napa­kalungkot na pangyayaring iyon, dapat ay paharapin nila ang dapat paharapin at sagutin ang mga tanong na matagal nang naghihintay ng mga kasagutan.

Kailangan itanim sa utak lalo na iyong mga tumatakbong muli sa pagka-senador, sa pagka-bise presidente at maging sa pagka-pangulo na huwag namang gamitin ang hearing sa Senado para magmayabang, buhatin ang sariling bangko at mamahiya ng kapwa pulitiko o kaya ng kung sinumang haharap sa pagdinig.

Tandaan ninyo na ginagawa ninyo ito para sa ikagagaling ng ating bayan at para bigyang katarungan ang mga bayaning namatay nang walang kalaban-laban noong Enero 25, 2015 sa pook patayan na kung tawagin ay Mamasapano.

Bow naman tayo kay Sen. Grace Poe, na nauna nang naglinaw na magiging tagapagpadaloy lang siya, at iiwasan niya ang magtanong para hindi mabigyang kulay ang muling pagbubukas ng Mamasapano case, sa pakiusap na rin ni Sen. Enrile. 

 

ACIRC

ANG

ASSET

COMELEC

ITO

KUNG

KUWAGO

MAMASAPANO

MGA

MISMO

ORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with