^

PSN Opinyon

Sinalakay ang MCJ

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON ng umaga nagpasiklab ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) bitbit ang sangkaterbang naka-full battle gear na Regional Police Safety Battalion-National Capital Region Police Office (RPSB-NCRPO) Special Weapons and Tactics ng pasukin ang Manila City Jail. Natural nahintakutan itong mga residente sa bukana ng MCJ at maging ang mga kapulisan ng MPD-Police Station 3 ng sumalida sa kanilang lugar ang mga raiding team na armado ng matataas na kalibre ng baril. Kasunod nito ang mga K-9 dogs na kahol nang kahol dahil sa mga nadaanan nitong mga aso at pusa papasok ng city jail, hehehe!

Ang unang pinuntirya ng Task Force Greyhound ay ang dormitory-7 (Cuerna) na kung saan nakapiit ang mahigit sa 100 preso, sa paghahalughog unang natumbok ang bulto-bultong pera sa isang Chinese national detainee sa isang marangyang kuwarto. Bukod kasi sa bungkos-bungkos na pera nakitaan ito ng  television, celfone gadgets, WiFi, portable electric stove, portable cooler at samu’t saring electric appliances. Patunay lamang ito na kahit nakapiit sa loob na natatanuran ng sangka-terbang jailer ng BJMP ay nakakalusot pa rin ang mga kontrabandong appliances at gadgets at ang hinala rito ng aking kausap, namamayagpag pa rin sa illegal trade na droga itong mokong na Chinese, hehehe! Siyempre hindi pahuhuli rito ang pagkabuking sa mga matatalas na gamit at ilang paraphernalia’s ng shabu. Halughugan na umatikabo ang ginawa sa bawat kuwarto o kubol ng mga preso kaya nagkalat ang mga bagay ng mga preso sa ilang minutong operasyon.

Ngunit sa kabila ng sorpresang halughugan blues may isang inmate na Hapones ang nakapukaw ng aking atensiyon. Nakita ko ang kalagayan ni Noritaka Ota, isang human trafficking inmate na hubot-hubad ang ayos sa papag na inaasikaso ng isang preso. Nabanggit sa ’kin na noon pang 2004 nakakulong si Ota sa Cuerna (Kubol-4) na wala man lamang dumadalaw na kamag-anak. Kaya ang panawagan nitong aking kausap na tulungan ko na maiparating sa Japanese Embassy ang kinasasapitan ni Ota. O, Japanese people pakibisitahin naman itong si Ota sa Kubol-4 nang maipagamot n’yo man lamang sa kanyang sakit.

Pagkatapos nito agad naman kaming naalarma nang magkaroon ng stand off sa Dorm 9 and 10 ng Batang City Jail nang tumangging papasukin ang mga tauhan nina Gen. Michael Vidamo, Regional Director ng BJMP-NCR. Ang duda nitong aking mga kausap, sinadyang hindi sila papasukin kaagad dahil iniligpit muna o nai-flash sa mga inidoro ang mga droga para maitago ang illegal activies ng drug lords. Kaya nang makapasok na itong raiding team, malinis na ang loob at buraot na lamang ang kanilang nasamsam. Sa puntong ito mga suki, mapapaniwawalaan pa ba natin itong mga jailer na tumutupad nga sila sa kanilang serbisyong sinumpaan. Marahil hindi dahil sapat na itong mga ebidensiya na nakuha sa ilang kubol, na patuloy pa rin ang operasyon ng drug lords kahit sila ay na sa loob pa ng mga rehas. Kaya ang panawagan ko kay MCJ Warden Supt. Fermin Enriquez, pagibayuhin mo ang pagtatanod sa iyong mga tauhan nang maputol ang pagpasok at transaksiyon ng mga Lord of all Lord sa iyong kaharian. Abangan!

ANG

BATANG CITY JAIL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CUERNA

DRUGS GROUP

FERMIN ENRIQUEZ

JAPANESE EMBASSY

KAYA

KUBOL

MGA

OTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with