^

PSN Opinyon

Huminahon ka Com. Guanzon

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANO ba ang nangyayari kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon. Nitong nakaraang mga araw ay pir-ming mainit ang ulo?

Under pressure kaya siya mula sa kanyang mga political patrons na ang agenda ay bilisan ang pagbakbak kay Grace Poe mula sa presidential race sa Mayo?

Dapat sigurong paalalahanan si Guanzon na bilang komisyunado ng Comelec ay kailangang kumilos siya nang kagalanggalang at kapitapitagan. Pero hindi. Pinahiya niya si Chair Bautista sa pagsasabing walang kapangyarihan sa kanya ang pinuno ng Comelec. Heto ang eksakto niyang sinabi “I must emphasize that as a commissioner, I am not a subordinate or employee of Chair Bautista and he has no administrative supervision or control over me.”

At si Guanzon pa ang tila nagpapahiwatig na  si Bautista ang sumira sa kredibilidad ng Comelec nang memohan siya nito sa ginawang pagsosolong magharap ng sagot sa Mataas na Hukuman kaugnay ng nakasampang disqualification case laban kay Poe gayung ang hinihinging sagot ng Korte ay dapat magmula sa Comelec en banc at hindi mula sa iisang tao lang.

Aniya “the memorandum of Chair Bautista unfortunately damaged the image of the institution and I am afraid might prejudice our case”. Waring pumupustura si Guanzon bilang isang taong may independent mind ano? Pero ang lahat ng kanyang ikinilos at sinabi ay nagpapakita sa kanyang pagka-makasarili. Ipinahihiwatig niya na handa niyang wasakin ang sino man na babangga sa kanya bilang isang abogada. Peligrosong magkaroon ng komisyunadong may ganyang mentalidad.

Dapat sana, bilang commissioner, tungkulin ni Guanzon na protektahan ang COMELEC bilang institusyon kabilang na ang buong bansa at lahat ng mamamayan. Yes, unang-una ang taumbayan sapagkat ang kapangyarihan ng taong nag-appoint sa kanya sa posisyon ay mula sa mga mamamayan. Si President Noynoy ang nagtalaga kay Guanzon sa COMELEC at taumbayan naman ang naghalal kay Noynoy.

Ang ano mang maling ginawa niya ay kawalang pitagan sa mga mamamayan.

Ano ba ang mali sa ginawa niya? Binubulabog niya ang ahensyang may pananagutaang tiyakin ang isang mapayapa at maayos na halalan.  Bago pa man siya makagawa ng ibayong perhuwisyo, palagay ko, kusa na siyang magbitiw.

ANG

ANIYA

ANO

CHAIR BAUTISTA

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER ROWENA GUANZON

DAPAT

GRACE POE

GUANZON

PERO

SI PRESIDENT NOYNOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with