^

PSN Opinyon

“Magic-Magic!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANONG GALING at haba man ng iyong pasensya sa pagtatrabaho kung hahaluan naman ng ibang ‘magic’  ng iyong amo na hindi kasama sa pinag-usapan, tatagal ka pa ba?

 “Sekretarya ang kapatid ko pero dahil sa manyak niyang amo ayaw na niyang magtrabaho,” pahayag ni Loraine.

Oktubre taong 2013 nang umalis ng bansa papuntang Qatar ang kapatid ni Loraine Liyoc na si Loida Liyoc.

‘Direct hire’ ito kaya’t wala silang malapitang ahensya nung magkaproblema ito sa amo.

Kwento ni Loraine tapos na ang kontrata ng kanyang kapatid kaya’t pagpatak ng Oktubre nagpaalam na itong uuwi ng Pilipinas.

“Hindi pumayag yung amo niya. Ayaw siyang bigyan ng exit visa para maproseso ang pagbalik niya sa bansa,” salaysay ni Loraine.

Gustung-gusto nang umuwi ni Loida dahil na rin sa ugali ng amo niyang nanghaharas. Nanatiling nakatira sa ‘accommodation’ ng kompanya si Loida.

Hindi na siya pumapasok sa amo dahil tapos na naman ang kontratang kanyang pinirmahan. Pagdating ng ika-tatlo ng Nobyembre 2015 ipinahuli si Loida ng employer na si Khaled Daoud Yousef Allaham.

“Idiniretso siya sa Qatar Deportation. Yung mga gamit niya naiwan dun sa accommodation. Hindi na namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya dahil paminsan-minsan lang siya kung kumontak sa amin,” salaysay ni Loraine.

Para maaksyonan ang inihinging tulong sa amin ni Loraine agad kaming nakipag-usap sa Department of Foreign Affairs (DFA) kay Usec. Rafael Seguis.

Lahat ng detalye tungkol kay Loida ay ibinigay namin sa kanya. Nakipag-ugnayan naman siya sa ating embahada sa Qatar upang malaman ang tunay na kalagayan ni Loida.

Sa report na pirmado ni Ambassador Wilfredo Santos, nagpunta ang ATN representative sa Qatar Deportation sa Search and Follow-up Department (SFD) para alamin ang kalagayan ni Loida Liyoc.

Ayon sa SFD Officer si Loida ay may pending pang kaso na isinampa ng kanyang sponsor. Wala nang ibang ibinigay na detalye ang officer  dahil wala doon ang may hawak ng kaso ni Loida.

Nangako silang babalikan si Loida ng ika-23 ng Disyembre bilang nakatakdang pagbisita rito. Ipapaalam daw nila kaagad ang magiging resulta nito.

Siniguro din nila na nasa maayos daw na kalagayan doon si Loida ayon sa ATN Officer na nakausap nito.

Makalipas ang ilang araw, mismong si Loida ang nakipag-ugna­yan sa amin upang ibalitang nakabalik na siya ng bansa.

BAGONG TAON, Enero 1, 2016 sa awa ng Diyos at sa mga taong hiningan namin ng tulong nakauwi si Loida  ng Pilipinas.

nang makauwi siya ng Pilipinas.

“Maraming salamat po sa pag-asiste ninyo at sa pag follow-up para makauwi ako ng Pilipinas. Ipagpatuloy niyo sana ang pagtulong sa iba dahil kung malalaman niyo lang ang kalagayan ng ibang Pilipina sa deportation maaawa kayo sa kanila,” ayon kay Loida.

Ang gamit niyang naiwan sa accommodation ng kompanya ay hindi niya pa nakukuha. Maging ang kulang sa sahod ni Loida ay hindi na naibigay sa kanya ng employer.

Kung posible lang daw ay makuha ito dahil pinagtrabahuan at pinaghirapan ito ni Loida sa ibang bansa. Idagdag mo pa ang mga pinagdaanan niya bago siya makabalik ng Pilipinas.

***TUNGKOL NAMAN SA ISA NATING KABABAYAN na kasalukuyang nasa  Qatar Deportation Holding Area ang kapatid ni Ruth Loreto na si Rachel Loreto.

Nagtatrabaho bilang ‘cleaner’ sa Hammad International Airport si Rachel. Inireklamo niya ang kanyang kompanya na Al-Fajeer Decoration & Display Fittings dahil sa kung ano-anong ibinabawas sa kanilang sahod.

Nang malaman ito ng amo agad siyang inihatid sa airport at kinansela ang pasaporte niya’t ‘working visa’.

Ilang araw siyang nakituloy sa isang kaibigan ngunit sa deportation ang kanyang kinabagsakan.

Lahat ng detalye at impormasyong nakalap namin sa problemang ito ay ipinagbigay alam namin kay Usec. Rafael Seguis ng DFA. Inaksyonan niya ito kaagad at nakipag-ugnayan namin siya sa embahada natin sa Qatar.

Sa report na aming natanggap na pirmado rin ni Ambassador Wilfredo Santos binisita sa pasilidad si Rachel.

Ayon sa SFD Officer nagkaroon ng problema ni Rachel sa kanyang ‘Residence Permit’. Hindi lamang kompleto ang nakuha nilang impormasyon dahil wala doon ang may hawak sa kaso ni Rachel.

Nangako naman silang tututukan ito at gagawin ang anumang hakbang para makabalik ng bansa si Rachel.

Nasa maayos naman daw itong kalagayan doon.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, marami nang mga kababayan nating Pilipina ang inaabuso sa ibang bansa. May nabalita ngang ginahasa at pinilahan ng limang Kuwati.

Ang masakit sa oras na magkaso ka dun  kadalasan kababayan pa natin ang binabaliktad at sila ang inilalagay sa alanganin at kinukulong.

Mas kinikilingan nila ang kanilang kalahi at ang ating kababayan ay basta na lang hinuhusgahan. Kapag lumaban ka naman wala ka ring ibang mapupuntahan kundi sa kulungan.

Sa pagpapairal nila ng ganitong patakaran para bang walang puwang ang paliwanag at pinagdaanang hirap ng mga Pinay.

Ganun pa man nagpapasalamat kami sa DFA at kay Usec. Seguis pati na rin sa embahada natin sa Qatar sa pagtutok sa problemang inilapit namin sa kanila.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ACIRC

ALIGN

ANG

DAHIL

LEFT

LOIDA

LORAINE

PILIPINAS

QUOT

RACHEL

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with