^

PSN Opinyon

2 araw pa lang…

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG araw pa lang ang election gun ban, 14 kaagad ang arestado sa paglabag nito. Kapansin-pansin ang mga nahuling baril. Mga luma na tila gamit na gamit. Parang wala akong nakitang mamahaling baril na nakumpiska mula sa mga lumabag sa nasabing gun ban. May pila na rin sa Comelec ng mga humihingi ng exemption sa gun ban. Ayon sa Comelec, pag-aaralan ang bawat aplikante kung karapat-dapat bigyan ng exemption­. Hindi ako magtataka kung may hindi talaga mapakali na wala na siyang dalang baril sa labas ng tahanan, kaya gagawin ang lahat para makakuha ng exemption.

May anti-crime group naman na umaalma sa nasabing gun ban. Ang katwiran, wala na raw silang proteksyon at hindi naman kaya ng Comelec na bantayan sila sa lahat ng oras. Pupunta raw sa Korte Suprema para ihiling na ibasura ang gun ban. Bakit hindi na lang sila humingi ng exemption mula sa Comelec? Kung may sapat na dahilan para sila ay magdala ng baril sa lahat ng oras, hindi ba sila bibigyan ng exemption? Kung talagang may banta sa buhay nilang lahat, hindi ba sila bibigyan ng exemption?

Palagi na lang malaking isyu ang pagdadala ng baril. Nagiging Amerika na rin tayo. Ang konting pagkakaiba na lang ay hindi ganun kadali makabili ng ligal na baril sa bansa, di tulad ng Amerika. At may kamahalan din ang mga baril sa merkado, maliban na lang sa mga gawa sa Pilipinas. Ang mga nahulihang lumabag nga sa gun ban ay mga ordinaryong tao na mukhang nakabili ng mga lokal na baril.

Ang gusto kong makita ay ang bilang ng krimen sa panahon ng gun ban kumpara sa regular na panahon. Nabawasan ba o pareho lang, o tumaas pa? Tama ang pahayag ng PNP na instrumento ng krimen ang baril. Pero maaari ring balakid ang baril sa mga kriminal. Mas gugustuhin ng kriminal ang biktima na hindi armado. Kaya lang, nakita natin na hindi pa rin lubos na responsable ang lahat ng may ligal na dalang baril. Kadalasan ay ginagamit lamang sa mga walang saysay na alitan sa kalsada. Hindi kriminal ang nahaharap sa mga nagdadala ng baril kundi mga ordinaryong sibilyan. Dito pala­ging napapasama ang isyu. Sa totoo lang ay parang wala pa akong narinig na sibilyan na gumamit ng baril laban sa kriminal. Kadalasan, sibilyan na hindi armado ang natatapat. Mabawasan kaya ang bilang ng mga away sa kalsada dahil sa gun ban? Kung ganun, hindi ba epek­tibo ang gun ban sa aspetong ito?

ACIRC

ANG

BAN

BARIL

COMELEC

GUN

HINDI

KADALASAN

KORTE SUPREMA

LANG

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with