New Year’s resolutions
ITO po sana ang New Year’s resolutions nating mga Pilipino.
1. Hindi na ako sisingit sa konting espasyo sa unahan ko kung nagda-drive ako. Ano ka, isang bahagi ng katawan ng lalaki na mahilig sumingit sa masikip?
2. Aayusin ko ang pagpa-park ko. Dapat lang, kasi ang binayaran mo ay isang parking space lang.
3. Hindi na ako magbubusina kapag trapik sa unahan ko. Ang sabi nga ng tatay kong ex-military, eh kung may pakpak ka, di lumipad ka!
4. Kung ako’y konduktor, hindi na ako magsasabing may upuan pa sa loob kahit SRO na ang aking bus.
5. At kung operator naman ako ng aircon bus kuno, kapag sira na ang aircon ay hindi ko na ibibiyahe ang bus at talaga namang nakakahiya.
6. At kung drayber naman ako ng bus, hindi ko na ibabarena ang aking bus sa EDSA at tatakutin ang drayber ng Kia Pride. Aba, eh wala naman akong pambayad sa danyos na aabutin ng mga ‘yan.
7. At kung drayber ka rin ng bus o taksi, huwag ka nang mag-shabu para lang makayanan mo ang matagal na oras ng pagmamaneho. May dalang high ang shabu at mawawalan ka ng control sa iyong sariling isip. Kung meron pa in the first place (joke).
8. Kung pasahero ka naman sa MRT o LRT, huwag kang manulak ng nasa harapan mo pag papasok o lalabas ng tren.
9. At maligo po kung sasakay sa masikip na bus o tren. Kawawa naman ang ating katabi kung nalalanghap niya ang iyong kilikili power.
10. Kung babae ka naman, aba’y doon ka pumuwesto sa unahang bagon ng tren na nakareserba para sa inyo. Huwag iyang sisingit ka sa masikip na tren at mag-eemote ka na buntis ka kapag nasagi ka. Eh mas flat pa sa dibdib mo ang tiyan mo, paano ka naging buntis?
Happy new year po sa inyong lahat.
* * *
Maaaring magpadala ng sumbat o komento sa [email protected]
- Latest