^

PSN Opinyon

Gastos sa political ads bawiin kaya pag-upo nila?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGPATUNGANGA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga inilabas na halaga ng AC Nielsen at bukuhin nila ang hundreds of millions ginastos ng mga kandidato para sa kanilang political ads sa TV, radyo at mga pahayagan upang paangatin ang kanilang rating at makilala ng todo ng madlang botante sa Philippines my Philippines dahil hindi biro nga naman ang halagang ibinayad nila.

Sabi nga, for publicity!

Ika nga, handaan este mali daan-daan milyon piso ang pinakawalan nila at hindi ito biro para sa kanilang political ads.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa inilabas na report ng pilsen este mali AC Nielsen pala malaking halaga na ang ginagastos umano ni vice presidential candidate Senator Alan Cayetano para sa kanyang political publicity diumano’y P419 million?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Saan kaya galing ang pitsa?’ tanong ng kuwagong manghihingi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napakalaking halaga at kung gagamitin ito sa tamang paraan sa kanyang mga constituents sa Taguig City maraming madlang Pinoy todits ang makikinabang tulad nang kabuhayan at mabibigyan pa ng mga tirahan ang may 130 pamilya na mananagana marahil sa loob ng 1 year?

‘Imbes na maagang pangangampanya, siguro mas marami ang sinigang este mali mababanigang pala na sikmura kung ito ay sa Taguig City gagastahin?’ sabi ng kuwagong flying voter.

Tanong - saan kaya kinuha ni Senator Alan et al ang pondong pinaguusapan natin?

Sagot - siempre siya lang ang makaka-answer nito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, batay sa 2014 SALN niya ang sinasabing net worth ng kayamanan nito ay diumano’y  P28.4 million?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, P215 million diumano’y ginagastos daw ni Senator Bongbong Marcos ilang milyon piso na lamang at matutunaw na ang idineklara niyang P228 million net worth niya?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Rep. Leni Robredo, P8 million diumano ang kabuuang yaman daw nito? Papaanong umabot sa diumano’y P172 million ang sinasabing ginasta para sa ads?

Naku ha, ay katotohanan kaya?

Tanong - maniniwala ba kayo na ibinigay lang ang mga perya este mali pera pala kina Alan, Bongbong at Leni ng libreng-libre at walang kapalit na anuman?

‘Ano sa palagay ninyo?’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umutang kaya o may pinagkakautangan?  Kung totoong mula sa donasyon ang mga ito, gaya ng ipinapalabas sa madlang people sinu-sinong damontres na taipan ang pinagkakautangan nila ng loob? 

Ang mga halagang ito ay hindi hamak na malayo at hindi maihahambing sa kakapiranggot na P30 thousand para sa ads ni Sen. Chiz Escudero.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nakakatuwa todits sa liit ng ginastos ni Chiz sa ads niya mukhang lumalayo pa ito at nananatiling number 1 sa survey at kapag nagkataon baka ito pa ang manalong bise presidente sa Philippines my Philippines sa eleksyon 2016.

Ika nga, sa survey kay Chiz matatag na matatag ito sa unang puesto at mukhang pulling away sa kalaban!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kakayanin naman pala kahit walang ads. Maaari naman palang sundan ang giya at layunin ng batas. Kahit hindi umepal, puede din naman palang manguna ng milya-milya.

‘Sino ngayon ang nananamantala? Sino ngayon ang gumagamit kanino? Bakit si Chiz pa rin ang nangunguna sa mga kalaban niya?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

Mamasapano probe buksan muli

SANGKATERBANG madlang Pinoy ang nagpapalakpakan at nag­lulundagan sa tuwa nang maisip ng Senado na buksan at muling imbestigahan ang ‘Oplan Exodus’ na ikinamatay ng 44 PNP Special Elite Commandos dyan sa Maguindanao.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napapanahon para muli itong kalkalin at himay-himayin lalo’t mag-e-eleksyon ngayon taon dahil hindi na mangingiming itago ang mga nalalaman ng ibang bright para ipagtapat ang buong pangyayari o tunay na dahilan ng operasyon ng SAF.

‘Tsimis may malaking pera dito?’ sabi ng kuwagong mapagduda.

Abangan.

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

CHIZ

ITO

KUWAGO

MGA

MISMO

ORA

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with