^

PSN Opinyon

Mabuting kaibigan

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG mabuting kaibigan si Presidente Noynoy. Kahit  nagkakamali ang mga opisyal niyang malapit sa kanya, hindi niya titinagin ang mga ito sa puwesto.

Napatunayan na natin iyan sa kaso ni dating PNP Chief Alan Purisima. Sa kabila ng katakutakot na kapalpakan noon ay hindi niya tinanggal hanggang suspendihin ng Ombudsman dahil  sa isang maanomalyang transaksyon.  Nakuha pa ngang magretiro sa serbisyo ni Purisima dahil hindi naman sinibak sa tungkulin talaga. At kahit sibak na sa tungkulin ay siya pa ang pinamahala sa kontrobersyal na operasyon sa Mamasapano na hangga ngayon ay isang mainit na isyung pinag-uusapan ng bayan. Ganyan kainit magmahal sa kaibigan si P-Noy.

Ngayon naman, ang pinakakontrobersyal na cabinet official ng Pangulo ay si Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na patong-patong na ang kontrobersya, particular yung may kinalaman sa mga anomaly sa MRT. Mayroon nang mga public clamor na siya ay sibakin pero nananatili pa rin sa puwesto dahil malapit na kaibigan ng Pangulo.

Binatikos kahapon ni Senator Grace Poe ang desis­yon ng Pangulo na panatilihin pa rin sa kanyang posis­yon si Secretary Abaya at maging ang pagmamatigas nito na iwan ang kanyang posisyon sa kabila ng mga batikos na natatanggap sa publiko. Sabagay ay limang buwan na lang halos lalagi sa tungkulin si Abaya pero hindi dahilan iyan para huwag siyang tinagin sa puwesto.

Ani Grace, “umaasa ako na pakikinggan pa rin ni Pangulong Aquino ang panawagan ng mga tao na magtalaga ng bagong pinuno ng DOTC na may kakayahan at kikilos nang mabilis at maayos para naman magkaroon ng kaginhawaan ang mga mananakay ng MRT3 kahit sa natitirang limang buwan ng administrasyong ito.”

Kalbaryo sa taumbayan ang MRT na mas madalas tumirik kaysa umandar ng maayos. Huwag nang sabihin pa ang kilometrong pila ng mga mananakay para lamang  makasakay dito. 

Tama si Grace. Hindi na dapat sisihin ng administrasyon ang nakaraang administrrasyon sa mga nangyayaring aberya sa MRT. Kahit pa may responsibilidad ang nakaraang administrasyon, ikaw na nakaupo ngayon ang may responsibilidad na ayusin ang aberya. Matatapos na lang ang termino mo eh lalung lumulubha ang problema. Grabeh!

ACIRC

ANG

ANI GRACE

CHIEF ALAN PURISIMA

KAHIT

MGA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTE NOYNOY

SECRETARY ABAYA

SENATOR GRACE POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with