^

PSN Opinyon

Atty. Feria Jr., kinasuhan ng rape at illegal detention

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ibinigay sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang complaint affidavit tungkol sa isang kaso ng rape at isang kaso ng serious illegal detention laban sa isang abogado na sinampal este mali isinampa pala ng isang ginang sa Makati Prosecutor’s Office.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Mrs. (hindi natin babanggitin pa ang pangalan nito para sa kanyang proteksyon,seguridad at kahihiyan), ang diumanong ­pa­ng­gagahasa sa kanya ay isinagawa ng isang diumano’y  nagngangalang Atty. Jose A. Feria Jr., ang pangyayari ay sinasabing nangyari sa Makati Shangrila Hotel sa room 1508 last December 11, 2015, habang ipinagdiriwang sa isang function room ng hotel ang kanilang Christmas party sa kompanya.

Hay,  naku ha!

Totoo ba ito Atty. Feria, kilala pa naman ang pamilya ninyo?

Sa sinumpaang salaysay ni Mrs., point by point niyang isinalaysay ang diumano’y kamanyakan mo Atty. Feria?

Nanghihinayang ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sayang ka Atty. ‘manyak’ este mali Feria pala kung totoo ito?

Sabi nga, pagbabayaran mo sa bilangguan ang diumano’y kabuhungan mong ginawa sa isang ginang?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami tuloy ang nagtatanong, baka raw matagal mo na itong ginagawa sa ibang kababaihan ngayon lang meron naglakas loob na magreklamo sa iyo.

Abangan.

P.2 million pabuya mula sa Guinto family

IBINIDA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nagsanla este mali naglaan pala ang pamilya ni Rufino “Amang” Guinto ng P200,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo kung sino ang mga nasa likod ng pamamaslang sa negosyante noong ika-27 ng Disyembre sa Gapan City.

Ayon kay P/SSupt Ricardo Villanueva, commanding officer ng Provincial Public Safety Company (PPSC),  na isa sa mga unit ng pulisya na nakatutok sa kaso, minabuti ng mga kaanak ng biktima na maglaan ng reward money upang makatulong sa agarang paglutas ng kaso. Kaakibat nito ang pagbibigay ng kaukulang proteksiyon para sa sinumang tatayong testigo.

Sinabi ni Villanueva,  ang naging desisyon ng pamilya Guinto matapos siyang bumisita sa tahanan ng mga ito noong nakaraang Sabado. Ayon sa opisyal, mismong si Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali ang nag-utos na masusing tutukan ng pulisya ang kaso.

Kasalukuyang sinusundan ng mga imbestigador ang ilang lead na maaaring naging motibo upang paslangin si Guinto, tiyuhin ni National Press Club President Joel Sy Egco.

Sa utos ng Malakanyang sa katauhan ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. noong araw ng pamamaslang, agarang umaksiyon si Philippine National Police chief Ricardo Marquez Jr. upang simulan ang proseso ng paghahanap ng katarungan para sa pamilya Sy Egco at Guinto.

Inatasan ni Marquez si Nueva Ecija Provincial Police Director Manuel Cornel at Gapan City Police Station chief Supt. Nelson Aganon na gawin ang lahat ng nararapat upang matukoy kung sino ang mga nasa likod ng krimen. Kasalukuyang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga kasapi ng PNP sa lalawigan.

Si Guinto ay binaril sa ulo ng dalawang beses ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang pauwi ito sa kanilang bahay sa Bgy. Castellano sa bayan ng San Leonardo, makalipas ang Pasko. Siya ay inilibing kahapon, araw ng Linggo.

Ang sinumang may mahalagang impormasyon hinggil sa kaso ay maaaring makipag-ugnayan sa PPSC gamit ang mga numerng 09204596176, 09152633600 o 044-4633927. Maaari ring makipag-ugnayan sa tanggapan ng NEPPO at Gapan City Police.

ACIRC

ANG

AURELIO UMALI

AYON

FERIA JR.

GAPAN CITY

GAPAN CITY POLICE

GAPAN CITY POLICE STATION

GUINTO

JOSE A

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with