^

PSN Opinyon

Subukan si Cabrera

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SI Attorney Roberto Cabrera na nga ba ang kasagutan sa mga kapalpakan ng Land Transportation Office (LTO)? Kapansin-pansin ang plaka ng mga sasakyan ngayon. May gula-gulanit na ang ayos sa kalumaan, meron naman na bagumbago na magkakaiba ang kulay. Ito ang nagbibigay kalituhan sa sambayanan dahil maraming colorum na sport utility vehicles (SUV) ang nakalusot sa pagpasada sa mga probinsiya dahil hindi sila mapupuna ng police at traffic enforcers kaya tumabo sila sa kanilang illegal na biyahe. May ilan namang drayber na resibo lamang ang laman ng kanilang wallet dahil nga sa bulilyasong transaksiyon ng mga license card matapos na mapabayaan ni dating LTO chief Alfonso Tan Jr. kung kaya ang mga drayber na nahuhuli sa mga probinsiya ay nauuwi sa ayusan na lamang o pera-pera ang katapat sa violation ticket.

Ito ang malaking hamon kay Cabrera na sana bago pa man dumating ang kampanyahan ng mga kandidato ni Pres. Noynoy Aquino ay maipalabas na niya sa bakuran ng Bureau of Customs ang mga container ng plaka. Dito nakasalalay ang boto ng mga kapanalig ni Aquino upang maipagpatuloy ang kanyang programa sa “daang matuwid”. At dahil nga isa siyang abogado at kinikilalang magaling na director ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) tiyak na kaya niyang labanan ang mga nakabinbin na mga asunto at apela sa mga korte na pumipigil sa legalidad na muro-murong bidding sa car plates at driver’s license card. Kayat mga suki subukan natin si Cabrera, sa loob ng anim na buwan at oras na hindi niya natupad itong pa­tutsada niya ng tanggapin ang puwesto sa LTO, pipitikin natin siya sa puwesto.

Samantala ang buong tropa ng Manila Police District ay abala naman sa paghahanda hinggil sa pinakamala­king selebrasyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9. Kung kaya si Plaza Miranda Police Community Precinct chief CIns. John Guiagui ay nagsisisimula na nagpalilibot sa kanyang nasasakupan. Kinausap na niya ang mga side walk vendors sa buong paligid ng Quiapo Churc. Lilinisin nila sa lahat ng mga sagabal ang mga kalye upang mabigyan ng maayos na daan ang prusisyon. Kaya bawal ang pagtitinda sa naturang lugar, bawal din ang pagparada ng lahat ng uri ng mga sasakyan at siyempre bawal ang inuman ng alak.

Subalit kung nagkukumahog si Guiagui sa pagsasaayos ng kanyang nasasakupan aba’y kabalintunaan naman itong nangyayari sa Sto. Nino Church sa Tondo. Mantakin n’yo, may tatlong lamesa pala ng color games diyan si Alex na ang nakaposte ay isang nagngangalang Resty. Dinarayo pa ito ng mga sugarol dahil open in public ang operasyon ng naturang sugal, ika nga’y walang huli dahil ang nagbabantay sa bisinidad ay mga pulis mismo ng Station-2. May katotohanan ba ito Supt. Nic Pinon na ang bali-balita na noong matakasan kayo ng mga preso ay abala ang inyong mga tauhan sa pagbabantay ng pasugalan diyan sa Chacon Street? Abangan!

ACIRC

ALFONSO TAN JR.

ANG

ATTORNEY ROBERTO CABRERA

BUREAU OF CUSTOMS

CABRERA

CHACON STREET

ITO

JOHN GUIAGUI

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with