^

PSN Opinyon

May puso ang Korte Suprema

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WALANG duda. May puso ang ating Korte Suprema sa paggagawad ng Temporary Restraining Order noong Disyembre 29 laban sa disqualification ni independent presidential candidate Grace Poe.

Kung walang inilabas na TRO, tuluyan nang na-itsa puwera sa eleksyon si Poe at ito’y malaking disenfranchisement sa mga naniniwala at handang bumoto sa kanya. Kahit pa sabihing pansamantalang remedy lang ito dahil posibleng magpalabas ng pinal na decision ang SC na hindi paborable kay Poe, ito ay dapat pa ring pasalamatan.

Wika nga, buhay na buhay pa rin ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Grace sa Mayo ng taong ito. Naunang ibinasura ng COMELEC ang presidential bid ni Grace sa dalawang dahilan: Hindi daw siya natural-born Filipino at kapos sa residency requirement dito sa Pilipinas tulad ng requirement para sa lahat ng kandidato.  Dahil dito, hindi mabubura ang ngalan ni Grace sa balota.  May dahilang matuwa hindi lang ang kampo ni Poe kundi ang milyun-milyong mga Pilipinong ibig siyang maging Presidente ng bansa.

Bagaman at hindi pa tapos ang laban, ang desisyon ng SC ay malaking tagumpay na rin para kay Grace at sa mga sumusuporta sa kanya. Huwag nating kalimutan na ang mga petitioners para sa diskuwalipikasyon ni Grace sa Comelec  ay mga taong may personal na agenda para sa kapakanan ng kanilang mga “manok” sa eleksyon. Nandidiyan si dating Senador Francisco Tatad, ang pinunong propagandista yumaong Pangulong  Ferdinand Marcos; Atty. Estrella Elamparo na iniuugnay sa isang  senior government official na may hindi mabuting record sa serbisyo.

Kahit ang ilang kasapi ng Comelec ay matamang pinagdududahan dahil sa umano’y  malapit na relasyon sa isang kalabang presidential bet at political party.

Naniniwala tayo sa wisdom ng magiging desisyon ng Mataas na Hukuman. Na ito’y hindi mababahiran ng politika. Hindi lamang tungkol kay Grace ang usapin kundi pati na rin sa mga batang napulot o foundlings na hindi dapat mawalan ng karapatan sa pagka-Pilipino dahil lamang sa magiging desisyon ng SC. Kaya magkabuklod tayo sa dalangin na ang magiging desisyon ng Korte ay hindi sa interes lamang ng iilang politico kundi ng bawat Pilipino.

vuukle comment

ANG

COMELEC

ESTRELLA ELAMPARO

FERDINAND MARCOS

GRACE

GRACE POE

HINDI

KAHIT

KORTE SUPREMA

MGA

PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with