^

PSN Opinyon

Lucky 77

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NOONG 2013 election ay numero 4 sa balota ang OFW Family partylist kung saan ay dalawang kongresista ang pumasok sa Lower House.

Sa mga mapamahiin, suwerte ang numero 4 dahil kapag nagbilang tayo ng oro, plata, mata ang 4 ay oro o ginto.

Sa 2016 election ang nabunot na numero ng OFW Fa­mily partylist ay numero 77.

Bagama’t malayo sa top 10 sa balota, maituturing ko ring suwerte ang numerong ito dahil ito ay lumilitaw na lucky 7. At dahil 77 ang aking nabunot kaya doble ang lucky 7. Oro rin ang 7.

Ang 7 ay itinuturing ding lucky number ng isa sa naging­ presidente ng Pilipinas. Katunayan naging lucky charm niya ang 777 dahil ito ang nakuha niyang boto noon sa Na­cionalista Party convention kaya siya ang naging kandidatong presidente ng kanyang partido kung saan siya nanalo.

Bilang kinatawan ng mga OFW, halos 20 panukalang batas na ang aking nai-file simula noong 2013 ngunit hanggang ngayon kahit isang bill ay wala pang naipapasa.

Ilan sa aking makabuluhang bills na makatutulong hindi lamang sa mga OFW at kanilang pamilya kundi pati na sa kababayang mahihirap ay ang House Bill No.3660 o Free Assistance Program for the Poor and OFWs with Cancer or Kidney Disease Act of 2013.

Ang iba pa ay ang HB No. 3678 OFW Hospital Act of 2013, HB No. 3070 OFW Defendent Educational Scholarship Act of 2013, HB No. 4004 OFW Travel Protection Act of 2014, HB No. 2579 OFW Family Help Desk Act of 2013, HB No. 2190 Surrogate Parents Act of OFWs and Migrant Filipinos Act of 2013, HB No. 3679 OFW Premium Benefits Act of 2014 at marami pang iba.

Inaasahan ko na magiging batas ang mga ito para sa OFWs at kanilang pamilya.

ACIRC

ACT

ANG

DEFENDENT EDUCATIONAL SCHOLARSHIP ACT

FAMILY HELP DESK ACT

FREE ASSISTANCE PROGRAM

HOSPITAL ACT

HOUSE BILL NO

KIDNEY DISEASE ACT

LOWER HOUSE

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with