^

PSN Opinyon

Sabwatan sa kaso vs Poe

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI na ako nagulat sa pagpapalabas ng desisyon ng COMELEC en banc sa kaso ni presidential candidate Grace Poe sa panahong gipit na sa oras para magharap ng apela sa Korte Suprema. Buti na lang at mayroon tayong Korte Supremang  may puso. Agad itong nag-isyu ng temporary restraining orders sa dalawang disqualifications case na isinampa sa COMELEC laban kay Poe.

Dahil dito, di maiiwasang magsuspetsa ang taumbayan na may sabwatan para  madiskuwalipika si Grace sa eleksyong pampanguluhan sa 2016. Hiniling sa Korte ng kampo ni Grace na magpalabas ng TRO para hindi maalis sa balota ang pa­ngalan ng top ranking presidential bet, bagay na maagap tinugon ng Korte.

Kung tutuusin, bago pa man idaos ang Pasko ay may nabuo nang desisyon ang COMELEC pero ibinitin-bitin ang pagpapalabas nito. Hindi na siguro dapat ipaliwanag kung bakit ginawa ito ng kapitapitagang poll body ano?

At alam niyo ba na iisa pala ang abogado nina Rizalito David at dating Senador Kit Tatad sa pagsasampa ng magkahiwalay na DQ case ay Poe? Malinaw na hindi magkahiwalay na interes ang pagsasampa ng kaso ng dalawa kundi iisang interes.

Si Atty. Manny Luna pala ang abogadong tumutulong sa dalawa para mabasura ang kandidatura ni Sen. Grace Poe sa alegasyong hindi ito tunay na Pilipino at hindi raw nagsabi ng totoo hinggil sa kanyang residency. Tila hindi pa rin napuputol ang ugnayan ng mag-amo’ng Tatad at David dahil para dumami ang kaso ni Poe, naghiwalay pa ang dalawa sa pagsasampa ng disqualification case laban sa huli.

Hindi maitatanggi ang aktibong papel ni Tatad sa rehimeng Marcos. Bilang press secretary noon, sa bibig niya unang nalaman ng taumbayan na ang bansa ay ipinailalim na sa Batas Militar.  Kahit nawala na si Marcos at ang naupo ay si Cory Aquino, kay Makoy pa rin ang katapatan niya. Kumandidato siya bilang senador sa binuong koalisyon ng mga Marcos loyalists na Grand Alliance for Democracy noong 1987.

Nung una, nabisto na si Atty. Estrella “Star” Elamparo (isa rin sa nagsampa ng dq case laban kay Poe) ay may ugnayan sa Li­beral Party. Ngayon ay nakikita na rin natin ang alyansa ni Kit Tatad at ang dati nitong alalay na si Rizalito David. Nagsampa  rin si David ng kaso laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isa ring top-ranking presidential bet ng PDP-LABAN. Okay para sa akin iyan dahil hindi ako pabor kay Duterte na maging Pa­ngulo. Pero ano ang mapapala ni Tatad kung madiskwalipika sina Poe at Duterte? Malaki. Kasi ang manok ni Tatad ay si VP Jojo Binay na isa ring kandidato sa pagka-pangulo. Oh, di ba?

ACIRC

ANG

BATAS MILITAR

CORY AQUINO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

GRACE POE

GRAND ALLIANCE

HINDI

RIZALITO DAVID

TATAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with