Bucor Chief, pasensiya ‘wag abusuhin!
TUMAKAS ang isang bilanggo sa National Bilibid Prison the other day ang akala yata nito nakagoyo siya sa ginawang pagpuga ang hindi niya alam oras na mahuli siya tiyak may ‘takal’ siya sa mga kakosa niya.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya ang mga kakosa ng pugante ay nanggagalaiti sa galit dahil maghihigpit ang bilibid sa pangyayaring ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, akala yata ng mga bilanggo at mga kasabwat nito sa loob ng New Bilibid Prison ay mahina at pakaang - kaang si retired Philippine Army Major General Rainer Cruz, bago siguro sila mag-isip ng kung anu-anong kagaguhan dapat kilalanin nila mabuti si Rainer kung sino ito at ano ang kakayahan ng kanilang Bucor Chief.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minaliit ng mga preso si Rainer akala siguro nila mahinang klase ito at patanga-tanga lang.
“Boys malalim si Rainer for your information !’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat himay-himayin nila kung saan nagtagal at kung anong mga divisions ng AFP galing si Rainer.
‘Subukan ninyo at magugulat kayo!’
Abangan.
Si Bongbong Marcos, bow
MARAMI ang nalulungkot na madlang Pinoy dahil nagtataka sila kung bakit gumaganda ang puesto ni vice presidential bet Bongbong Marcos sa mga survey.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pangalawa si Bongit kay ‘boy laglag’ este mali Senator Chiz Escudero pala.
Ayon sa mga surveys, tumaas ng 23% sa Pulse Asia at 19% sa SWS ang anak ng dating diktador Apo Marcos.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang mabilis na nakalimot ang madlang Pinoy sa maraming taon na pahirap, pananakot at mga pagpatay sa batas militar ni Apo Marcos.
Bakit?
Sagot - mukhang nagkaroon ng ‘amnesia’ ang madlang public?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon panahon ni Apo Marcos matatanda na ang madlang public sa ngayon kaya naman tumaas ang rating ng Bongit dahil hindi na alam ng madlang kabataan kung anu-ano ang pahirap na ginawa ng kanyang erpat sa madlang Pinoy na kalaban ng gobierno.
Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi biro ang mga namatay at missing people noong panahon ng batas militar ni Apo Marcos sangdamakmak ang naperwisyo at nakaranas ng matinding delubyo.
Ayon sa mga asset ng mga kuwagong ORA MISMO, noong panahon ng batas militar ni Apo Marcos halos hindi makakilos ng normal ang madlang people.
Sabi nga, takot sila!
Ipinaalala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana alalahanin ng madlang botante ang ‘history’ ng batas militar para malaman nila ang bigat ng paghihirap ng madlang Pinoy noon panahon ng erpat niyang diktador.
‘Hindi biro ang mga nilimas na kayamanan ng mga Marcos noon.’ sabi ng kuwagong umiiyak.
Ika nga, billion of dollars ito!
Abangan.
- Latest