^

PSN Opinyon

Niños Inocentes atbp. kuwentong Bibliya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA araw na ito ginugunita ang masaker ng mga sanggol sa Israel, sa utos ni Haring Herodes. Nabanggit sa kanya ng Tatlong Hari na merong isinilang na maghahari sa buong Mundo, at sa selos ay ipinadukot niya mula sa mga bahayan ang lahat nang lalaking bagong silang. Nakalusot lang si Hesukristo dahil isinilang siya sa sabsaban -- hindi pang-hari. Isa ‘yan sa mga unang kuwento sa Bagong Tipan ng Banal na Kasulatan.

Merong mga Pilipino na, sa pagkamuhi sa sitwasyon ngayon, ay nagsasabing dapat mamatay lahat nang matatanda, at matira lang ang mga inosenteng paslit na siyang magmamana ng bansa. Mag-ingat sila sa hina-hangad, dahil baka magkatotoo. Lalo na’t ang pagkaubos ng matatanda at paghalili ng mga bata ay may batayan sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tinutukoy ko ang Exodus, o paglaya ng Israelites mula Egypt.

Nakapagtataka na inabot sila ng 40 taon — ilang salinlahi -- bago marating ang Lupang Pangako (Israel) mula Egipto. Kung ngayon lalakarin ‘yon, aabutin lang nang 16 na araw, pabandying-bandying.

Nagkaligaw-ligaw ang Israelites dahil sa pagsubok ng Diyos, at sa pagtalikod nila sa mga utos. Nang umalis sila, tinatayang mga 600,000 ang dami, karamihan ay matipuno, meron nang mga uugud-ugod, at meron ding mga sanggol at isinilang sa daan, Nang sa wakas ay papasok na sila sa Lupang Pangako, malaon nang pumanaw ang mga matatanda, ang mga matipuno ay uugud-ugod, at ang mga paslit ay matatanda na. Mga bata -- bagong henerasyon na -- ang pumasok sa Israel. Miski si Moses ay hindi man lang ito nasilayan.

Sobrang kasakiman, kahayukan, at kawalan ng Diyos ang ugaling nananaig ngayon, anang mga nangungutya sa lipunan. Dapat daw sa atin ay dumanas ng hirap at pagsubok para tumino. Kung gan’un, kapupulutan natin ng aral ang Bibliya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ANG

BAGONG TIPAN

BIBLIYA

DAPAT

DIYOS

HARING HERODES

LUMANG TIPAN

LUPANG PANGAKO

MGA

NANG

TATLONG HARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with