‘Pag-atake ng akyat-bahay’
ABALA ang marami sa paghahanda sa katatapos lang na Pasko at pagpapalit ng Bagong Taon.
Kabi-kabila ang mga party at handaan. Madalas walang naiiwan sa mga bahay.
Hindi maiiwasan dala na rin ng matinding pagod sa iba’t ibang okasyon, marami ang nagiging kampante sa kanilang seguridad.
Inaakalang walang magsasalisi at manloloob basta naka-lock ang kanilang mga pintuan, bintana o maaaring pasukan ng mga magnanakaw.
Marami na ang mga nabiktima ng mga akyat-bahay at naiwang luhaan sa ganitong delikadong estado ng pag-iisip. Sabi nga sa kasabihan, laging nasa huli ang pagsisisi.
Doble ingat. Lalo na ngayong ‘ber’ months, sumasabay din kasi ang mga akyat-bahay. Pinag-aaralan ang mga pupuntiryahin at loloobing establishemento. Oportunidad lang ang kanilang hinihintay.
Sa mga subdibisyon kung saan naglalakihan ang mga bahay, hindi garantiya ang mga gwardyang nakaposte sa mga pasukan at lagusang gate.
Hindi rin garantiya ang mga matataas na pader na nakapalibot sa inyong bahay.
Ang mga nakakabit na CCTV, nananatili ring mga palamuti lang at walang silbi kung walang aktuwal na nagbabantay.
Saka na lang malalaman na nalooban ka kapag naisagawa na ang krimen at nalimas na ang iyong mga mahahalagang bagay.
Walang pinipiling panahon ang mga akyat-bahay sa kanilang pag-atake. Nagigising ang natutulog nilang pagnanasa kapag nakahanap ng puwang.
Huwag mabiktima ng mga demonyo sa lupa. Huwag mapasama sa estatistika.
Para makaiwas sa iba’t ibang uring modus ugaliing makinig sa BITAG Live. Mag-log on rin sa bitagtheoriginal.com click “BITAG Safety Center.”
Mag-ingat, mag-ingat!
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest