^

PSN Opinyon

Kidnapping, terror plot

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

NAGPALABAS ang United States Embassy ng panibagong advisory kahapon sa mga citizens nito na kapwa naninirahan at habang nasa biyahe rito sa Pilipinas na maging maingat lalo na sa harap ng bantang terorismo at kidnapping na sinasagawa ng Abu Sayyaf extremist group at maging ng Bangsamoro Inslamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang travel alert ay dahil na rin sa panibagong pang-atake na ginawa ng BIFF sa tatlong magkahiwalay na insidente sa Maguindanao, Sultan Kudarat at sa North Cotabato na kung saan 11 ang patay na  sinasabing mga magsasaka nitong nakaraang dalawang araw.

Narito ang bahagi ng advisory ng US Embassy sa mga mamamayan nito na nandito sa Pilipinas.

“The U.S. Embassy would like to alert U.S. citizens residing in, or traveling to, the Philippines to recent statements by Philippine security officials regarding an increase in the Terrorist Threat Level to Level III (High) in seven cities and nine provinces across the country due to persistent reports of kidnapping for ransom plots and potential bombings by the Abu Sayyaf Group (ASG) and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Philippine security officials indicated that cities under the increased terrorism alert are Zamboanga City, Marawi, Isabela, Kidapwan, Dipolog, Dapitan, and Cotabato. All are located in Mindanao. They further indicated that provinces under increased terrorism alert are Sultan Kudarat North Cotabato, Maguindanao, Basilan, Tawi-Tawi, and Sulu (all in Mindanao); Palawan, southern Negros island; and Boracay island (Aklan).”

Kapansin-pansin na hindi lang sa Mindanao ang mga lugar na sinasabing may dagdag na security concerns. Kasali na rin ang Palawan, southern Negros Island at maging ang sikat na resort island ng Boracay.

Ang mga travel advisory na ito ay hindi na bago. Paulit-ulit na itong nilalabas ng US Embassy at maging ng ibang bansa na sa tingin nila ay nanganganib ang buhay nila pag bumiyahe sila sa katimugan.

Nangyayari ang lahat ng ito habang papatapos na ang taong 2015.

Sana naman sa pagpasok ng bagong taong 2016 ay mawawala na ang lahat ng problemang ito na dulot ng possible terror plots at kidnapping.

Sana naman ang problemang ito ay harapin at hanapan ng lunas ng susunod na administrasyon na mahahalal sa May 2016 na eleksyon.

Hindi ito pupuwedeng magpatuloy na lang dahil tayong ring mga Pilipino ang maaapektohan.

* * *

Manigong Bagong Taon sa lahat!

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ANG

BANGSAMORO INSLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BORACAY

MAGUINDANAO

MANIGONG BAGONG TAON

MINDANAO

NEGROS ISLAND

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with