^

PSN Opinyon

Pag-aralan natin

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

SIMULA nang nauso ang multi-party system sa ating pulitika hindi bababa sa anim ang kandidatong pangulo tuwing halalan.

Pabor ito sa mga botante dahil marami silang pagpipilian, pero kung patuloy naman nilang paiiralin na kung sino ang popular ay sila nilang ibuboto, hindi rin ito nakatutulong para mahalal na presidente ang isang tunay na karapat-dapat. Ang isa pang masama lagi na lamang minority president ang nananalo dahil sa rami ng kandidato ang nagwagi ay hindi nakakuha ng majority ng mga boto.

Kunin nating halimbawa ang mga kandidatong pangulo noong 2010. Kandidato noon sina Noynoy Aquino, Erap Estrada, Manny Villar, Gibo Teodoro at ilan pang minor candidates.

Marami ang nagsasabi na kung katangian ang pag-uusapan si Gibo ang pinakamahusay sa kanila at maaring pangalawa si Villar.

Pero ano ang naging resulta ng halalan? Si Aquino ang nanalo, pangalawa si Erap samantalang ang karapat.dapat ay bumagsak lamang sa number 4.

Ano ang ipinahiwatig ng resultang ito? Na karamihan sa mga botante ay hindi pinag-aralan at hindi sinaliksik ang katangian ng bawat kandidato.

Pinatunayan din ng resulta ng halalan na kahit ang isang kandidato ay hindi karapat-dapat at maaring walang kakayahan na maging mahusay na pangulo, basta nagtataglay siya ng sikat na apelyido ay okay na. Kung talagang okay na, bakit naging dismal failure sa good governance si Aquino?

Naisalba ba ng kanyang sikat na apelyido ang kanyang admin para itaas ang antas ng buhay ng karamihan sa ating mahihirap na kababayan?

Nagpakita ba siya ng malasakit sa 15 milyong manggagawa na biktima ng salot na kontraktuwalisasyon?

Sinunod ba niya ng kusang loob ang batas at ipinamahagi sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang lupa na talagang para sa kanila o kailangan pang ipatupad ni Chief Justice Renato Corona kaya siya napag-initan at tinanggal siya sa puwesto ng Senado na isa palang kangaroo dourt.

Mga kababayan, bago po kayo pipili ng kandidatong ibuboto bilang presidente, pag-aralan ninyong mabuti ang kanilang mga katangian at kakayahan.

Sa sandaling muli ninyong iboto ang isang kandidato dahil sa kanyang sikat na apelyido, baka po magsisi na naman tayo sa pangalawang pagkakataon. Huwag kalilimutan, ang pagsisisi ay laging nasa huli.

ANG

ANO

AQUINO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

ERAP ESTRADA

GIBO TEODORO

HACIENDA LUISITA

MANNY VILLAR

MGA

NOYNOY AQUINO

SI AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with