^

PSN Opinyon

Ang 2016 national budget, bow

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nagdududa diumano si Bayan Muna party list Rep. Neri Colmenares, na kumakandidatong Senador sa 2016 sa patutsada na malakanin este mali Malacañang pala kesyo wala na raw pork barrel sa panukalang 2016 national budget.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangka­terbang insertion diumano ang makikita sa 2016 budget at dehins lang pork barrel ang matutuklasan todits?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, duda sila sa mga tirada ng Malacañang porke ang nagdesisyon lamang todits ay si P. Noy kaya naman sinasabing may P325 billion lump sum sa 2016 fundings?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag isa lamang ang nagdesisyon tiyak nakakadudang may isiningit?

Kaya tuloy naniniwala ang mga bright na humihimay ng budget na may graft ang 2016 national funding.

‘Maraming sumisilip at nasisilip sa paghimay na budget kaya naman ang mga kritiko ng Malacañang ay hindi maisarado ang bibig kaya tuloy maingay sila sa pagsasabing may kalokohan tungkol sa usaping ito.’ sabi ng kuwagong pinagdududahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lihim sa madlang people ang priority development assistance fund (badaf) este mali PDAF pala o pork barrel na may violation ito sa Philippines my Philippines Constitution.

“kaya tuloy nabuyangyang ang case problem ni Janet Lim Napoles at iba pang politiko ang ngayon naghihimas ng rehas dahil sa isyu ng mga bogus NGO’s?’ sabi ng kuwagong binukulan.

“The 2016 General Appropriations Act (GAA) of PhP2.139 Trillion which was recently signed by the President into law is loaded with pork and lump sum appropriations,” kaya naman pati si Prof. Leonor Magtolis Briones, Lead Convenor of Social Watch Philippines ay nag-iingay sa ngayon.

Abangan.

Mga kumpiskadong paputok sa itinatago ng PNP?

MAS mainam paputukin mismo o ilublob sa tubig at dito sirain ang mga kinumpiskang paputok ng kapulisan sa harapan mismo ng madlang peole at mga nagtitinda ng paputok para hindi pumasok sa mga utak nila na panggamit lamang ng mga matataas na opisyal ng pulisya ang mga tinirang malalakas na paputok.

Ika nga, for consumption sa New Year only? Hehehe!

‘Aktibo sa operasyon ang PNP versus sa lahat ng uri ng mga ipinagbabawal na paputok kaya naman maraming tindahan partikular sa Bulacan ang nahulihan ng bawal na gamot este mali paputok pala.’ sabi ng kuwagong nagtatampo.

Tanong - saan dinadala ng pulisya ang mga nakumpiskang paputok? Take note, SILG Sarmiento at PNP Chief Ric Marquez, Sirs!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang kuarta sa paputok hindi lang doble your money kapag namuhunan ka rito sa ngayon kundi triple pa ang kikitain na mamumuhunan.

Tanong - saan nga ba talaga dinadala ng pulisya ang nakum­piska nilang mga paputok habang malayo pa ang paghihiwalay ng Bagong Taon sa Philippines my Philippines?

‘Siguro mas mainam paputukin o ilublob sa mga drum ng tubig at doon sirain ang mga nakumpiskang ‘ban’ na paputok para ang madlang people ay hindi magduda sa pulisya.’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

ABANGAN

ACIRC

ANG

ATILDE

KAYA

MALACA

MGA

MISMO

NAKU

PAPUTOK

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with