^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabagal umaksiyon ang DSWD

Pilipino Star Ngayon

DALAWANG taon na ang nakararaan mula nang manalasa ang Bagyong Yolanda sa Eastern Samar at ilang probinsiya sa Visayas  na nag-iwan nang mahigit 6,000 patay. Grabe ang pinsala sa ari-arian at kabuhayan ng mga residente at hanggang ngayon, marami pa ang hindi nakababangon sa kanila. Marami pa ang naninirahan sa bunk houses sapagkat mabagal ang construction ng mga bahay na itinatayo ng pamahalaan. Marami nga ang nagtataka kung bakit usad-pagong ang rehabilitasyon doon.

Kung mabagal ang paggawa ng mga bahay para sa mga biktima, mabagal din naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-iimbestiga sa mga nasirang relief goods. Hanggang ngayon, dalawang taon na ang nakalilipas, wala pang nananagot sa mga nabulok na bigas at family food packs na dapat sanay ipamamahagi sa mga biktima. Hindi makapagbigay ng dahilan ang DSWD kung bakit usad-pagong ang pag-iimbestiga kung paano matutukoy ang responsable sa mga nabulok na pagkain.

Ayon sa report ng Commission on Audit (COA), umaabot sa P2.784 million ang halaga ng mga nasirang bigas at mga naka-pack nang pagkain ang nabulok. Ibinaon na lamang ang mga bigas at pagkain sapagkat nasira na at hindi na maaaring pakinabangan.

Ilang buwan na ang nakararaan, natuklasan sa isang lugar sa Eastern Samar ang isang hukay kung saan ibinaon ang mga nabulok na libong sako ng bigas. Ayon sa report, dadalhin na umano ang mga bigas sa mga biktima nang abutan ng ulan at nabasa lahat. Dahil hindi na mapapakinabangan, gumawa na lamang ng hukay at doon ibinaon ang mga sako ng bigas. Bukod sa bigas, marami ring nasirang pagkain at walang ibang paraan kundi ibaon ang mga ito.

Mas nakinabang pa ang uod kaysa sa mga napinsala ng Yolanda. At sa kabila naman nito, mabagal ang DSWD sa pagtukoy kung sino ang dapat managot sa pagkasira ng mga pagkain. Bilisan naman ang pag-iimbestiga at siguruhing hindi na mauulit ang pangyayaring ito lalo’t sa kasalukuyan may relief operations na isinasagawa sa mga biktima ng Nona sa Samar, Bicol Region at Oriental Mindoro.

ANG

AYON

BAGYONG YOLANDA

BICOL REGION

BIGAS

BILISAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EASTERN SAMAR

MARAMI

MGA

ORIENTAL MINDORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with