^

PSN Opinyon

Panukala ni Jinggoy para sa barangay official, pasado

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

PASADO na sa Senado ang pagkakaloob ng retirement benefits para sa mga opisyal at kawani ng barangay. Isa sa may-akda ng panukalang batas na ito si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada at inaasahan niya na maipapasa na rin sa House of Representatives upang maging isang ganap na batas na mapapakinabangan at makakatulong nang malaki sa mga opisyal ng barangay.

Batid nating sila ang pangunahing umaalalay sa ating mga kababayan, nagpapanatili ng kapayapaan ng komunidad, pumapagitan sa mga alitan, rumeresponde sa panahon ng kagipitan at trahedya. Sila ang unang takbuhan nang marami sa atin at matatawag na front liners ng ating pamahalaan sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.

Aprubado na sa Senado ang pagbibigay ng retirement benefits na nagkakahalaga ng P100,000 para sa Punong Barangay, P80,000 para sa miyembro ng Sangguniang Ba­rangay, at P50,000 para sa mga Barangay Treasurer, Barangay Secretary, Barangay Tanod, Miyembro ng Lupon Tagapamayapa, Barangay Health Workers at Barangay Day Care Workers.

Ang opisyal at kawani ng barangay na may edad 60 at naglingkod ng hindi bababa sa siyam na taon ang siyang makakatanggap ng naturang benepisyo.

Gayunpaman, ang sinumang opisyal at kawani na masa­sawi at magkakaroon ng permanenteng kapansanan sa pag-   ganap ng kanyang tungkulin ay makakatanggap din ng benepis­yo anuman ang kanyang edad at bilang ng taon ng serbisyo.

Samantala, bukod sa retirement benefits isinusulong din ni Jinggoy ang iba pang panukalang batas na magbibigay ng karagdagang benepisyo para sa ating barangay officials.

Sa kanyang isinumiteng Senate Bill 1684 ay itinataas ang halaga ng honoraria at allowance sa mga barangay officials na ilang taon na ring hindi nababago at ang kasalukuyan nilang natatanggap ay masyadong maliit at hindi na angkop sa panahon ngayon.

Sa isa pang hiwalay na panukala ni Jinggoy – Senate Bill 1956 – ay isinusulong na mabigyan ang mga Barangay Tanod ng Christmas bonus, insurance coverage at diskuwento sa tuition fees ng kanyang mga anak na nag-aaral sa kolehiyo.

ACIRC

ANG

BARANGAY

BARANGAY DAY CARE WORKERS

BARANGAY HEALTH WORKERS

BARANGAY SECRETARY

BARANGAY TANOD

BARANGAY TREASURER

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MGA

SENATE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with