^

PSN Opinyon

‘Political prostitute’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGLALABASAN ang mga ‘political prostitute.’

Sa salitang kalye, mga pulitikong pokpok. Kung hindi­ nagpapagamit, nanggagamit. Kung hindi mapang-abuso­, gusto nila sila ang naabuso lahat sa ngalan ng publisidad.

Kulturang trapo na gagawin ang lahat para lang maging laman ng balita at magkaroon ng recall o may maiiwang tatak sa isipan ng tao. Sadya talagang gumagawa ng eksena o isyu na alam nilang interes ng marami at dikit sa sikmura ng mga tao.

Ang iba pa nga, talagang mag-iisip pa ng mga taktika at estratehiya para lang makakuha ng atensyon. Kapag alam nilang napansin na sila ng kaunti, ayaw na nilang mawala sa media. Hindi sila kulang sa pansin bagkus mga swapang sa pansin. Kung napansin man sila sa kanilang kapalpakan, gusto pa lalo nilang magpapansin.

Tulad ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon. Nilusaw na nga ng Korte Suprema ang kanyang petisyong temporary restraining order laban sa ‘No Bio, No Boto’ ng Commission on Elections, kuntodo pa rin sa pag-aapela.

Walang kumwestyon sa programang ito ng Co­melec. Maging ang mga magagaling sa akademya, eksperto sa batas at ang Malacañang, walang nakitang mali. Bukod tanging si Ridon lang ang umaangal at umaatungal.

Dahil pinaboran ng Supreme Court (SC) ang ‘No Bio, No Boto’ na naglalayon ng maayos, malinis at tapat na elek­syon ibang anggulo naman ngayon ang kanyang tini­tira. Talagang ipinaglalaban ang katiga­san ng ulo at ginawang pagsuway ng minorya sa ma­yoryang nagpumilit na magpa-rehistro sa biometrics.

Hindi na isyu dito ang sinasabi ng kongresista na paglabag daw ng Comelec sa karapatan ng bawat Pilipino para bomoto. Mismong Kataas-taasang Hukuman na ang nag­labas ng desisyon, tama ang Comelec. Ang problema sa mga pulitikong pokpok isa na si Ridon kung saan nasarapan sa pagiging swapang sa publisidad, pilit pa ring guma­gawa ng isyu. Tsk…tsk!

Marami pang mga maglilitawang manggagamit at magpapagamit, mang-aabuso at magpapaabusong pulitiko habang papalapit ang eleksyon.

Mag-analisa. Maging matalino.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ACIRC

ANG

COMELEC

KABATAAN PARTYLIST REP

KORTE SUPREMA

MGA

MISMONG KATAAS

NBSP

NO BIO

NO BOTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with