^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Bilisan, pag-ayuda sa mga biktima ni ‘Nona’

Pilipino Star Ngayon

UMAKYAT na sa 34 ang mga namatay sa pana­nalasa ng Bagyong “Nona” noong nakaraang linggo. Pinakamarami ang namatay sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) na umabot sa 13 tao. May mga namatay din sa Samar at iba pang bayan sa Eastern Visayas kung saan unang tumama ang bagyo. Dalawa ang namatay sa Masbate at dalawa rin sa Catanduanes at Sorsogon­.

Matindi ang pananalasa ng Bagyong “Nona” sa Oriental Mindoro kung saan limang beses itong nag-landfall. Maghapong hinagupit ng bagyo ang mga bayan ng Pinamalayan, Gloria, Bongabon, Pola, Socorro, Baco at Calapan. Maraming nawasak na bahay at nagtumbahan ang mga poste ng kuryente. Umano’y aabutin ng limang buwan bago magkaroon ng kuryente sa nasabing probinsiya.

Sabi ng mga taga-Pinamalayan, hindi nila inaasahan na ganoon kalakas ang bagyong “Nona” na tatama sa kanilang lugar. Hindi raw kaya nagkamali ng babala sa lakas ng bagyo ang PAGASA habang tumatawid sa kanilang probinsiya? Bagama’t maraming na-evacuate, marami pa rin ang nanatili sa kani-kanilang mga bahay at doon sila inabutan ng bangis ng bagyo. Ang hiling ng mga taga-Pinamalayan at iba pang bayan sa Or. Mindoro ay ang mabilisang pagtulong sa kanila ng gobyerno para sila makabangon. Lahat daw ng kanilang pinagkukunan ng ikabubuhay ay nata­ngay ng baha.

Marami naman sa mga biktima ni “Nona” sa Samar ay nagrereklamo sa mabagal na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Para raw hindi nakahanda ang DSWD sa pamamahagi ng mga pagkain. Marami raw sa kanila ang hindi natutulungan ng DSWD. Sana raw ay maging mabilis ang DSWD sa pamamahagi ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Nauulit ba ang nangyari nang manalasa ang “Yolanda” noong 2013 sa Leyte na binatikos ang DSWD at iba pang ahensiya dahil sa bagal nang pag-aksiyon. Dahil sa kabagalan ng DSWD, na­unahan pa sila ng mga pribadong kompanya at foreign donor sa pag-aabot ng tulong sa mga biktima. Huwag naman sanang ganito ang danasin ng mga biktima ng bagyong “Nona”.

ACIRC

ANG

BAGYONG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EASTERN VISAYAS

MARAMI

MGA

MINDORO

ORIENTAL MINDORO

PINAMALAYAN

SAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with